Bago pa man siya makaalis, tumayo na ako at niyakap siya mula sa likuran. Ramdam kong natigilan siya sa ginawa ko kaya mas hinigpitan ko pa ang yakap sa kanya.

"Sorry kung ginusto kong itago kung anong mayro'n taong dalawa. Sorry kung nawawalan ako ng oras sa'yo. Sorry kung hinayaan kong maramdaman mo 'yan. Sarili ko lang ang naisip ko, hindi ko na naisip pa kung anong mararamdaman mo." huminga ako ng malalim at pinaharap siya sa'kin. "Ngayon ko lang naisip na ang dami ko palang pagkukulang sa'yo. Mahal na mahal kita at gusto kong iparamdam sa'yo yun."

Nag iwas naman siya ng tingin sa'kin at hindi pa rin nagsasalita. Bumuntong hininga ulit ako at hinawakan ang pisnge niya.

"Galit ka pa ba sa'kin?" malambing kong tanong.

"Hindi naman ako galit sa'yo. Nagtatampo lang."

"Ano bang gusto mong gawin ko para hindi ka na mag tampo?"

"Wala." 

Napairap na lang ako at humalukipkip sa harap niya. Ang arte naman ng isang 'to. Naging malambing na nga ako e. Hindi pa naman ako marunong manuyo! 

"Ano nga?" tanong ko ulit na may halong iritasyon na.

"Oh, bakit parang ikaw na 'yung galit?"

"Hindi mo kasi sinasagot nang maayos ang tanong ko! Hindi ako marunong manuyo, okay? Kaya nga tinatanong kita kung anong puwede kong gawin para hindi ka na mag tampo sa'kin tapos isasagot mo lang na wala." inirapan ko na lang siya dahil sa inis ko.

"Ako 'yung nagtatampo pero mukhang ako ang manunuyo sa'yo ngayon." aniya at mahinang natawa. "Hali ka na nga, may pupuntahan tayo." aniya sabay hila sa'kin.

"Saan tayo pupunta?"

"Basta! Sumama ka na lang sa'kin."

"Pa'no si Cara? Baka hanapin niya ako." tanong ko nang makapasok na kami sa kotse niya.

"Tatawagan ko na lang siya maya-maya. Sa ngayon, magpahinga ka muna riyan." 

Tumango na lang ako sa kanya at hinayaan siyang mag drive. Habang nasa biyahe, hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako. Nagising na lang ako ng naramdaman kong mabato na pala ang dinadaanan namin. Agad kong nilingon si Troy na seryoso pa rin sa pagmamaneho. Tiningnan ko naman ang madilim na dinadaanan namin. 

Bakit parang nasa bukidnon kami? Pupunta ba kami kina lola at lolo? Hindi ko naman kabisado ang daan dito pero pakiramdam ko, lumagpas na kami ro'n.

Hindi na lang muna ako nag tanong kay Troy kung saan ba kami pupunta at hinayaan muna siyang mag drive ng tahimik. Dahil wala rin naman akong magawa habang nagmamaneho siya, natulog ulit ako. Nang magising ako ulit, dahil na 'yon sa tilaok ng mga manok.

Akala ko nasa loob pa ako ng sasakyan pero nasa isang hindi pamilyar na kuwarto na ako ngayon at nakahiga sa malaking kama. Bumangon ako agad at pinasadahan ng tingin ang buong kuwarto. Nasaan naman kaya ako?

Tumayo ako at pumunta sa tapat ng sliding door na natatakpan pa ngayon ng kurtina. Hinawi ko ito at agad na bumungad sa'kin ang magandang tanawin ng lugar. Mukhang maaga pa lang dahil sisikat pa lang yata ang araw. Binuksan ko ang sliding door at pumasok sa balkonahe. Isang maliit na lamesa at dalawang upuan lang ang naro'n. 

Huminga ako nang malalim at dinama ang malamig na hangin. Pumikit din ako at humawak sa railings. Ang sarap sa pakiramdam kapag nasa ganitong lugar ka. Tahimik, sariwa ang hangin, palaging bubungad sa'yo ang ganda ng bukidnon. Lugar kung saan makakahinga ka nang maluwag.

"Goodmorning."

Napangiti na lang ako nang maramraman kong may yumakap sa'kin mula sa likuran. Hinalikan din ako nito sa pisnge.

Ms. Mataray meets Mr. Mahangin ( BOOK 1 ) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon