Tahimik lang ako habang nakikinig sa mga sinasabi ni Lane na wala rin namang kuwenta. Nang makuha ko na ang order nila, agad akong umalis. Kahit gustong-gusto kong patulan si Lane, alam kong hindi puwede. Costumer siya at waitress lang ako. Sa oras na patulan ko siya, puwede akong mawalan ng trabaho.

Hinabaan ko pa lalo ang pasensya ko nang ihatid ko na ang pagkain na inorder nila. Akala ko may sasabihin na naman sila pero laking pasasalamat ko dahil hindi na sila nagsalita pa. Nakahinga naman ako nang maluwag dahil sampung minuto na lang at makakauwi na ako. At sana rin, hindi na ako guluhin pa ng dalawang babaeng yun.

"Kyla, pinapatawag ka no'ng babaeng yun oh." sambit ng katrabaho ko sabay turo kay Lane na nakatingin din sa'kin.

"Bakit daw?"

"Hindi ko alam e, ang sabi niya lang, gusto ka raw niyang makausap." aniya at umalis na para ihatid ang order ng isang costumer.

Napairap nalang ako at huminga nang malalim bago lumapit sa lamesa nina Lane. Nakangisi siya habang nakatitig sa'kin. 

"Hi, Kyla!" 

Tinaasan ko lang siya ng kilay dahil alam kong may masama na naman siyang binabalak. Wala naman talagang magandang ginawa ang babaeng 'to sa'kin.

"Anong kailangan mo sa'kin?"

"Hmm, wala naman. Natutuwa lang akong tignan ka na ganyan ang suot." aniya sabay tawa.

"Kung wala ka naman palang kailangan sa'kin, aalis na ako." 

Tatalikuran ko na sana siya nang bigla niyang hinulog ang plato saka baso sa lamesa nila dahilan para mabasag ang mga 'to.

"Opss, nabasag." nakangisi pa rin siya hanggang ngayon.

Nagulat naman lahat ng mga taong nasa loob ng restaurant. Naalarma rin ang ibang waitress dahil sa nangyari.

"Bakit mo ginawa yun?" galit kong tanong sa kanya.

"H'wag kang mag alala, babayaran ko 'yan ng triple pa." aniya at kumuha ng pera sa pitaka niya.

May lumapit naman na janitor para sana linisin ang mga binasag ni Lane pero agad niya itong pinigilan sabay tingin sa'kin.

"Gusto kong ikaw ang pumulot ng mga bubog sa sahig gamit ang kamay mo." aniya

"At bakit ko naman gagawin yun?"

"Mahalaga sa'yo ang trabaho na 'to, 'di ba? Kapag wala 'to, hindi ka mabubuhay. Kaya susundin mo ang sinasabi ko kung gusto mong may trabaho ka pang babalikan bukas."

"M-Ma'am, hindi po puwed--" hindi na natapos ng janitor ang sasabihin niya nang tiningnan siya ng masama ni Lane.

"Gusto mo rin bang mawalan ng trabaho?"

"Lane!" hindi ko na napigilan pa ang sarili ko sa pag sigaw.

Hindi naman puwedeng idamay niya ang ibang nagtatrabaho rito! Wala silang kinalaman sa away naming dalawa!

"Ano na? Gagawin mo ba ang gusto ko o pati mga katrabaho mo, mawawalan ng trabaho. May pera ako, Kyla. Kaya kong ipasara ang restaurant na 'to kung kailan ko gusto." 

Kinuyom ko na lang ang kamao ko at tiningnan ang mga katrabaho kong nakatingin lang din sa'min. Baguhan lang ako rito pero maayos ang pakikitungo nila sa'kin. Tinutulungan pa nila ako sa tuwing nagkakamali ako. Hindi ko naman puwedeng hayaan lang si Lane sa gusto niya dahil alam kong may pamilyang umaasa sa mga nagtatrabaho rito.

Mariin kong ipinikit ang mga mata ko bago dahan-dahang lumuhod para pulutin ang mga bubog sa sahig. Nanginginig pa ang mga kamay ko habang ginagawa ko yun pero kailangan kong gawin 'to para wala ng ibang taong madamay.

Ms. Mataray meets Mr. Mahangin ( BOOK 1 ) (COMPLETED)Where stories live. Discover now