Nang makalabas ako ng banyo ay nahihiya akong humarap sa kanya. Nagtataka naman siyang nakatingin sa'kin at naghihintay sa sasabihin ko.

"Troy, pautang naman oh."

Argh! Nakakahiya! Buong buhay ko ngayon lang ako mangungutang!

"Magkano at para saan?"

"Ah, bibili lang ako ng damit tapos sanitary pads. May dalaw kasi ako ngayon kaya kailangan ko talaga. Pero promise, babayaran kita kapag may pera na ako."

"Dalaw? Sinong dalaw mo?"

Nasapo ko nalang ang noo ko dahil sa tanong niya. Muntikan ko nang makalimutan na lalaki nga pala 'tong kausap ko. 

"Ang tinutukoy kong dalaw, e, yung menstruation. Siguro naman alam mo kung ano yun? Monthly period ng mga babae."

"Ahh, yun pala yun? Akala ko may dadalaw sa'yo, paaabangan ko sana."

"Pautangin mo na nga ako! Tapos ikaw na rin bumili, masakit puson ko at masama pa ang pakiramdam ko kaya ikaw na ang bahala." sambit ko bago humiga ulit sa kama.

"Anong damit ba ang bibilhin ko? Pati ba bra saka panty bibili ako? Anong size mo?" 

Nanlaki nalang ang mga mata ko dahil sa mga tanong niya. Uminit na rin ang pisnge ko sa kahihiyan. Wala talagang preno ang bibig ng isang 'to e!

"Alam mo, minsan ang sarap tahiin niyang bibig mo. Walang preno kung makatanong." naiirita kong sabi sa kanya.

"Nagtatanong lang naman ako e. Ano nga kasing size mo?"

"Small yung size ng underwear ko tapos 36A naman yung bra ko." sambit ko sabay iwas ng tingin.

"Ahh, liit pala." 

Napabalik naman ang tingin ko sa kanya dahil sa sinabi niya. Ang kapal talaga ng isang 'to! Palibhasa sanay siya sa mga babaeng malalaki ang hinaharap.

"Sige na, bibilhin ko na ang mga kailangan mo. Matulog ka riyan ha, baka kung ano pang gawin mo habang wala ako." aniya bago tuluyang lumabas sa kuwarto.

Napabuntong hininga nalang ako saka padapang humiga dahil sumasakit lalo ang puson ko. Ang hirap talaga maging babae, buwan-buwan may masakit sa'yo. Pagulong-gulong lang ako sa kama habang hinihintay si Troy na makabalik. Hindi rin kasi ako makatulog kaya nililibang ko nalang mag-isa ang sarili ko.

Lagpas isang oras bago siya makabalik. Nang pumasok siya sa kuwarto ang dami niyang dala! Bumangon naman ako at tiningnan ang mga pinamili niya. Sakto yung size ng bra saka panty na binili niya. Pero nanlaki nalang ang mga mata ko ng makita ang sanitary pads na binili niya.

"Bakit ang dami nito, Troy? Tatlong araw lang ang dalaw ko hindi isang taon!"

"E, hindi ko naman kasi alam. Dinamihan ko nalang kasi baka kapag isa lang ang binili ko, magalit ka." aniya sabay kamot sa batok.

Nasapo ko nalang ulit ang noo ko habang nakatingin sa kanya. 

"Hayaan mo na lang 'yan, mas mabuting madami para sa susunod na buwan may magagamit ka ulit. Hindi mo na kailangan bumili."

"Magkano ba lahat ng 'to?"

"Limang libo yata lahat ng 'yan, kasali na yung mga damit mo."

"Limang libo? Bakit ang mahal?"

"Kasi mamahaling damit ang binili ko?"

"Jusko, Troy! Wala nga akong kapera-pera tapos mamahaling damit pa talaga ang naisipan mong bilhin? Ano namang ipambabayad ko sa'yo, aber?"

"Puwede namang hindi mo na bayar--"

"Hindi yun puwede. Lumabas ka na nga lang at magbibihis na ako. Dinadagdagan mo talaga ang sakit sa ulo ko e."

Para naman siyang batang napagalitan ng magulang nang lumabas siya sa kuwarto. Nang makapag-palit na ako ay saka ko nilabhan sa banyo niya ang sinuot kong damit. Pagka-labas ko ng banyo ay siya namang pagpasok ni Troy sa kuwarto.

"May gusto ka bang kainin?" tanong niya.

"Isasampay ko muna 'to bago ko iisipin kung may gusto ba akong kainin." 

"Ako na magsasampay niyan, sabihin mo nalang sa'kin kung anong gusto mong kainin."

Kinuha niya agad ang basang damit na hawak ko. Napa-isip naman ako kung anong gusto kong kainin. Parang masarap yung siomai? Mas masarap talaga yung icecream na may fries e.

"May naisip ka na ba?" tanong niya ulit.

"Gusto ko ng icecream na strawberry flavor tapos fries. Chichirya na rin kung puwede."

"Okay."

"Idagdag mo nalang 'yan sa utang ko sa'yo."

"Sige." aniya bago lumabas ulit.

Umupo naman ulit ako sa kama at tumingin-tingin sa paligid ng kuwarto. Dalawang araw na ako rito pero wala naman akong reklamong natanggap mula kay Troy. Mukhang ayos lang sa kanya na dito muna ako.

Dahil wala akong ibang magawa rito ay nakialam na naman ako sa mga gamit niya. Tumingin-tingin ulit ako sa mga drawer niyang sobrang daming lamang papel. Hindi ko na binasa kung anong mga nakasulat do'n hanggang sa may nakita akong picture ng isang matandang lalaki at babae.

Mukhang mag-asawa ang dalawang 'to. Mukhang masaya rin sila sa picture na 'to, siguro lola saka lolo 'to ni Troy. Nang titigan ko ng mabuti ang mga mukha nila ay napakunot nalang ang noo ko dahil parang pamilyar sa'kin ang matandang lalaki sa litrato. Parang nakita ko na siya dati pero hindi ko matandaan kung saan at kailan. Sinubukan kong mag hanap pa ulit ng ibang pictures pero yun lang ang mayro'n si Troy sa drawer niya.

Wala na akong iba pang nakita sa kuwarto niya kaya tumunganga nalang ako sa kuwarto at hinintay siyang makabalik. Nang marinig ko ang busina ng kotse niya ay agad akong lumabas ng kuwarto at bumaba para salubungin siya. Nakaramdam na rin kasi ako ng gutom habang naghihintay sa kanya.

"Ito na ang icecream saka fries mo." aniya at ibinigay sa'kin yun.

Napangiti naman ako at dali-daling kinuha yun. Siya naman ay pumunta sa kusina dala ang iba niya pang pinamili kaya sumunod nalang ako sa kanya. May mga binili siyang prutas saka gulay. Habang inaayos ang mga pinamili niya ay napapasulyap naman siya sa'kin. Kumuha ako ng kutsara saka sinimulang kainin ang icecream kasabay ng fries.

"Ang takaw mo naman." 

"Gutom ako e."

"Hindi mo man lang ba ako bibigyan niyang kinakain mo?"

Napatingin ako sa kanya bago ibinalik ang tingin sa kinakain ko. Saglit akong nag isip kung bibigyan ko ba siya o hindi. Hindi naman ako madamot kaya sige na nga lang. Nakatalikod siya sa'kin ngayon dahil abala siya sa ginagawa kaya naman agad akong lumapit sa kanya at kinalabit siya.

"Nganga ka dali!" sambit ko at hinintay siyang lumingon dahil nakaangat na ang kutsarang may icecream.

"Ha?" nang lumingon siya at diretso naman sa bibig niya ang kutsara.

Kitang-kita ko ang gulat sa mukha niya dahil do'n kaya ngumiti nalang ako sa kanya at bumalik sa puwesto ko kanina. Pansin ko ang pagkakatulala niya kaya naman umiling nalang ako habang nakangiti. Hindi ko alam, gumagaan lang ang pakiramdam ko ngayon dahil nandito ako. Dahil nasa tabi ko ulit siya.

Ms. Mataray meets Mr. Mahangin ( BOOK 1 ) (COMPLETED)Where stories live. Discover now