Napangiti silang magkaptid, hindi pa rin nagbabago ang kanilang mga magulang, malambing pa rin sila sa isa’t isa.

 

“Mabuti nandito ang bunso natin?” nakangiti ito kay Dennis

“Tinawagan ako ng Mama, may importante daw kayong sasabihin sa akin.”

Nagkatinginan ang tatlong kaharap nya sa hapag kainan.

Bigla naman syang kinabahan,. “What is it?”

“Hijo, hindi ka ba naiinggit sa kuya mo?” simula ni Divina.

 

“Why should I? I’m happy dahil successful si kuya….” 

“At may masayang pamilya”  dugtong ni Francis sa sasabihin pa ng anak.

Nahulaan na ni Dennis kung saan na naman papunta ang usapang ito.

“Let’s eat first, mamaya na lang tayo magkwentuhan.” Pilit na pinapagaan ni Gener ang ang sitwasyon.

 

Walang kibong pinagpatuloy ni Dennis ang pagkain. Bago sila matapos kumain ay bigla namang tumunog ang cellphone nya, si Gabriel ang tumatawag.

“Dude, where are you?” bungad agad ng kaibigan.

“Hindi ako makakapunta ngayon, I’m here at my parent’s house.”

“We’ll see you sa entertainment room.” Yun lang ang sabi ng Papa ni Dennis at lumabas na ito ng dining room kasama ang asawa.

Nang madaanan naman sya ng kanyang kuya ay tinapik lamang ang balikat nito, parang sinasabi nitong humanda ka.

“Hindi rin makakarating sina Edward at Renz.” Napabuntong hininga si Gabriel sa kabilang linya.

“Don’t worry dude, tomorrow pupuntahan kita sa office mo, nabalitaan ko yung tungkol sa nalalapit mong kasal.” Parang nang-aasar pa ang tinig nito.

“Damn!” yun lang ang sinabi ni Gabriel at ibinababa na nito ang telepono.

Natatawa si Dennis ng maputol ang tawag ng kaibigan, alam nya kung gaano ito ngayon ka miserable dahil sa nalalapit nitong kasal. “Hinding hindi ako papatali sa kasal. I’m happy with my life right now, walang commitment.” Yan ang naglalaro sa utak nya ng mga sandaling yun.

Sinundan nya ang mga magulang sa entertainment room, natutuwa rin sya dahil dumating ang kanyang kuya. Mula kasi ng mag-asawa ito ay namalagi na sila sa Bacolod at ito ang namamahala ng sugar factory nila doon.

Inabutan nya ang mga magulang at ang kuya nya kasama rin nito ang asawang si Lena na masayang nagkukwentuhan.

Playful HeartWhere stories live. Discover now