Playful Heart

512K 3.8K 65
                                    

Prologue

"That's final Emerald! whether you like it or not ikaw ang papalit sa akin sa pagpapatakbo ng rancho natin." Mataas na ang boses ni Gerardo.

"Papa, what about my dream?" naiiyak na si Emer.

Ilang linggo na nilang pinagtatalunan ang bagay na ito. Gerardo was disappointed with her eldest daughter ito ang hinubog nya bilang kapalit sa pamamalakad ng kanilang negosyo but a month a ago Emily got married and right now she's staying with her husband in Canada.

"Mama, please convince him." Nagmamakaawa si Emer sa ina.

"Hija, wala na kaming aasahan, dalawa lang kayong magkapatid, understand your father anak." Malumanay na paliwanag ni Eliza sa bunsong anak.

Alam ni Emerald na wala na syang magagawa sa kagustuhan ng mga magulang. Kailangan nyang gumawa ng paraan para matupad ang mga pangarap nya. Kailangan nyang makatakas sa pagmamanipula ng kanyang mga magulang.

Emer has a degree in fashion design at sa America pa sya nag-aral, hindi nya maintindinhan ang inaasal ng mga magulang nya ngayon. Wala sa usapan nila ito at ang pagkakatanda nya ay ang ate Emily nya ang mamahala ng kanilang rancho na namana pa ng kanyang Papa sa mga magulang nito.
_______________
A.N.

Please support my audiobook in yt (terelou1220). Thank you

Playful HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon