"Alam mo? Birthday ko ngayon."

"Oh, tapos?"

"Iimbitahin sana kita--"

"Buti naman kung gano'n."

"Kaso hindi puwede."

"Ha? Bakit?" napataas ang kilay ko dahil sa sinabi niya.

"Baka kasi ubusin mo yung pagkain e, marami pa naman akong bisita." aniya sabay tawa.

"Talaga ba? Tss." inirapan ko nalang siya at nagpatuloy sa pagkain.

"Seryoso nga, hindi puwede."

"Bakit nga?"

"Kasi hindi papayag sina Ryan at Calvin. Baka sapakin pa ako ng mga 'yon kapag hinayaan kitang pumunta sa party."

"Papayag 'yon, ako ang bahala."

"Gusto mo talaga pumunta sa birthday party ko?"

"Siguro?" 

"Bakit? May kikitain ka siguro ro'n, 'no? Siguraduhin mo lang na hindi lalaki 'yan, kung 'di bugbog sarado aabutin niyan." aniya at kinuha ang kinakain kong donut saka inubos.

"Hoy! Akin 'yon!"

"Nagutom ako e, h'wag kang mag alala, bibigyan kita ng maraming donut."

Inirapan ko na lang siya at ininom ang juice ko. Bigla naman siyang tumayo at ngumiti sa'kin.

"Alis na ako, see you later kung sakaling makapunta ka. Bye!"

Nang matapos akong mag meryenda ay naglakad-lakad nalang ako sa field dahil wala rin naman akong magagawa kung tatambay ako sa classroom. Papunta na ako sa may garden ng bigla kong makita si Miko na kausap yung babaeng nakaaway ko kaninang umaga.

Agad akong nagtago sa puno na malapit sa kanila at nakinig sa pinag-uusapan nila.

"E kasi last school year mababa talaga yung grades ko e, gusto ko sanang ikaw na mismo ang mag tutor sa'kin. Sinabihan na rin naman ni Mommy si tito Mike at sabi niya ayos lang basta sa free time mo lang." aniya

"Sige Lane, pag-usapan nalang natin kapag natapos ko na ang mga kailangan kong gawin." sambit ni Miko.

Napansin ako ni Lane na nagtatago sa likod ng puno kaya naman ngumisi siya sa'kin at biglang niyakap si Miko. 

"Thank you!" aniya at hinawakan pa ang pisnge ni Miko.

Ang landi talaga ng babaeng 'to! Humanda ka sa'kin mamaya.

"Anong ginagawa mo riyan?" muntikan na akong mapasigaw sa gulat ng may biglang magsalita sa likuran ko.

"Ano ba? H'wag ka ngang nanggugulat!" halos bumulong na ako para lang hindi marinig nina Miko.

"Tinatanong ko lang naman kung bakit ka nariyan." aniya at sinilip kung sino ang tinitingnan ko kanina.

Napatingin din ako pero wala na si Miko at Lane doon kaya nakahinga na ako ng maluwag.

"Gusto mo 'yon, 'no?" 

Nanlaki naman ang mga mata ko dahil sa tanong niya. 

"Ano naman sa'yo?" 

"Susumbong kita kina Ryan at Calvin, lagot 'yang crush mo." aniya at na para bang nang-aasar ng bata.

"Subukan mo, ililibing talaga kita ng buhay."

"Nako, nakakatakot ka naman." aniya sabay tawa.

Inirapan ko nalang siya bago ko napansin ang hawak niyang first aid kit.

Ms. Mataray meets Mr. Mahangin ( BOOK 1 ) (COMPLETED)Where stories live. Discover now