Simula

205K 3.6K 567
                                    


Crush

"Ma'am Kyla? Pinapatawag na po kayo ng Mommy niyo." sambit ng kasambahay habang kumakatok sa pinto ng kuwarto ko.

"Susunod ako." maikling sagot ko.

Inayos ko muna ang buhok ko bago ko kinuha ang bag at lumabas na ng kuwarto ko. Habang pababa ako ng hagdan ay napansin kong wala na ang dalawa kong kapatid.

"Nasaan sina kuya?" tanong ko at dumiretso sa lamesa para saluhan si Mommy.

"Nauna na silang pumasok."

"Mom, bakit ka pumayag na mauna sila? Akala ko ba sabay kaming papasok?"

"Kyla, nagmamadali na kasi sila. At isa pa, puwede naman kitang ihatid--"

"Ginagawa mo na naman akong baby! Mommy, dalaga na ako. Kaya nga gusto kong sumabay kina kuya kasi ayaw kong sabihin ng mga schoolmates ko na bini-baby mo pa rin ako."

"Bakit? Baby naman talaga kita, 'di ba?"

"Mommy naman, pabalikin mo sina kuya rito, please?"

"Kyla,"

"Please?"

Napabuntong-hininga na lamang siya at agad na inabot ang selpon niya. Napangisi nalang ako habang nakikinig sa usapan ni Mommy at kuya Ryan.

'Ano kayo ngayon? Ang lakas ng loob niyong bwesitin ako kahapon.'

Nakangiti akong kumain habang iniisip ang gorilla kong mga kapatid. Wala naman talaga akong problema kung si Mommy ang maghahatid sa'kin, gusto ko lang talagang pahirapan ang mga pangit kong kapatid. Ilang minuto lang ang lumipas ay nakabalik na sina kuya kaya naman agad akong nagpaalam kay Mommy bago lumabas.

"Hello! Ganda ng umaga, 'no?" salubong ko sa kanila.

Pareho naman sila nakabusangot na nakatingin sa'kin kaya mas lumapad pa ang ngiti ko.

"Ang lakas mong manira ng umaga." galit na sabi ni kuya Ryan habang nagma-maneho.

"Umaga lang? Ayaw niyo ng buong araw?" sabay tawa ko.

"Kung hindi lang talaga kita kapatid baka tinulak na kita sa daan."

"Kuya Calvin, kakabusangot mo mas nagiging pangit ka pa sa gorilla."

Hindi na nila akong inimik kaya mas lalo akong natuwa. Kinuha ko ang selpon ko at agad na tiningnan ang mensahe sa'kin ni Cara, kaibigan ko. May sinend siyang pictures nina kuya Ryan at kuya Calvin na nasa isang bar habang umiinom at may kalandiang mga babae.

Cara:

Nakita ko lang sila sa bar kung nasaan ako kagabi.

Ako:

Thank you sa pictures! Malaking tulong 'to para makasama ako sa gala mamaya.

Tinignan ko ulit ang mga nakuhang pictures ni Cara at umiling.

"Wala talagang pinagbago." sambit ko.

Agad naman na napatingin sa'kin ang dalawa kong kapatid.

"Ang alin?" si kuya Calvin.

"Wala, may nakita lang ako. Nasaan nga pala kayo kagabi? Kumatok ako sa kuwarto niyo pero walang tao."

"Nag basketball lang kami kasama ang barkada." si kuya Ryan naman ang sumagot ngayon.

"Ahh, basketball? Ilan score niyo?"

"At kailan ka pa naging interesado sa basketball, Kyla?" masungit na tanong ni kuya Ryan.

Ms. Mataray meets Mr. Mahangin ( BOOK 1 ) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon