Chapter 28: The Voicemail

1.7K 55 12
                                    

CHAPTER 28: THE VOICEMAIL

Nais kong malaman niya nagmamahal ako
'Yan lang ang nag-iisang pangarap ko…

 

Naalimpungatan ako nang mahagip ng pandinig ko ang pamilyar niyang boses. At first, I thought I was only dreaming. Napaka – melancholic kasi ng boses niya na tipong naririnig mo lang sa panaginip. Ngunit nang kumanta siya ulit, with so much sadness in his voice, that’s when I realized that his voice is in reality.

 

Gusto ko mang sabihin 'di ko kayang simulan
'Pag nagkita kayo pakisabi na lang... 

Pinanatili ko lang na nakapikit ang mga mata ko at pinakinggan lang siya. I know that he’s at my back which is his previous position before I drifted to sleep. Hindi ba siya natulog? May araw na ba? Mas dumiin ang pagkakapikit ko nang naramdaman ko ang masuyo niyang paghagod sa buhok ko.

Pakisabi na lang na mahal ko siya
'Di na baleng my mahal siyang iba... 

Pakisabi huwag siyang mag-alala
'Di ako umaasa... 

 

Bakit napakalungkot naman ng boses ni Harvey?  His voice is like on the verge of crying. Too much sadness. Too much pain.

 

Pakisabi na lang umiibig ako
Lagi siyang naririto sa puso ko... 

 

Then I heard a sniff. Dumami at mas lumakas iyon ngunit tinakpan niya ng kamay ang bibig niya dahil mas pigil na ito. Naramdaman ko siyang tumayo at lumayo sa’kin. I want to turn around and asked him what happened… what’s the problem… why’s he crying… pero naduwag ako. Hindi ko alam kung bakit ayoko siyang tanungin kung ano ang rason ng kalungkutan niya o kung sino ang tinutukoy niya sa kinanta niya. O kung sino ang iniiyakan niya. Hindi ko alam kung bakit ayokong malaman.

Natatakot akong malaman ang totoo.

Natatakot ako na makumpirma ang tumatakbo sa isip ko.

It took minutes of contemplating before I decided to wake up. Upang maging kapani – paniwala naman ang paggising ko, kinusot ko ang aking mga mata at dahan – dahang umupo. Malamig na hangin ang sumalubong sa’kin mula sa bintana. Wala pa sigurong araw dahil wala akong nararamdamang sinag nito. Nakarinig ako ng pagkaluskos sa gilid.

“Harvey?”

Tumikhim muna siya bago niya sagutin ang tanong ko. “Nandito ako.”

Bumigat na naman ang loob ko nang marinig ko ang medyo paos niyang boses. Malayo sa pagkatotoy na boses niya. “Ba’t gising ka na? Wala pa namang araw.”

“Hindi ako makatulog.”

Narinig ko ang pag – usog ng upuan pati na rin ang kanyang paghakbang. Mukhang hindi siya papunta sa’kin kaya pinakinggan ko na lang ang kilos niya.

Sightless Love [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon