Chapter 93: One Day Happiness (Part One)

Start from the beginning
                                    

"I'm still not eating since last night. Can you eat breakfast with me?"

Matagal bago ako nakasagot hanggang sa muli siyang nagsalita.

"This will be the last time, Spring...One last time. I'll do what you want me to do...I'll stay away from you."

I was actually nervous kung saan niya pipiliing kumain kami. Natatakot akong may makakita sa amin at kung ano na naman ang isipin nila.

Minsan iniisip ko kung bakit kailangan maging ganito ako?

Why can't I live my life without thinking about those people around me?

Palaging hindi ko puwedeng gawin kasi ganito kasi ganyan.

Minsan iniisip ko kung sino ba talaga ako?

Kung ang lahat ba nang ginagawa ko ay kagustuhan ko o dahil sa ibang tao?

I wanted to live without thinking about anyone. I wanted to be free but I just can't.

Sa buhay natin merong choices ang isang tao hindi ba?

Pero ako...pakiramdam ko I always left with no choice pero hindi naman hindi ba?

Palaging may choice sa buhay ko pero lagi kong pinipili iyong bagay na magpapasaya sa ibang tao hindi sa sarili ko.

At habang namamayani ang katahimikan sa loob ng kotse ni Torn, naisip ko paano kung ito na ang huling araw ng buhay ko?

What if things got worse with my heart? What if my fragile heart failed?

Will I be happy dying like this?

Binalingan ko si Torn na seryosong nagmamaneho. Can I just escape reality even for just a day?

Iyong wala akong iisipin. Iyong hahayaan kong maging masaya ko.

Puwede naman hindi ba?

I grabbed my phone and set an alarm until 12 am. I ignored missed calls and text messages. Hindi pa ako nakuntento sa pag-silent sa cellphone ko at ini-airplane mode ko ito.

"What are you doing?"

Doon ko lang namalayan naka-stop ang kotse at pinagmamasdan ni Torn ang ginagawa ko.

Nagkibit-balikat ako matapos ngumiti ako na parang walang problema. "Saan tayo kakain?"

"Are you sure you're alright?"

"How about pancakes with strawberry syrup on top?"

Kumunot ang noo niya. "You're acting weird..."

"I want to live as if this will be my last day."

"What are you saying? May problema ka ba—"

"Sshhh, are we going to eat or not?" Magsasalita pa sana siya nang sunod-sunod na busina ang narinig namin galing sa likod.

Nagmura siya pero wala ring nagawa at pinaandar ang kotse niya. The silence is killing me. Aside from that as much as I want to ignore his glances, I can't help but feel awkward with it.

Marahil ay nahihiwagaan siya sa akin. Just last night, I rejected him again. Just last night, instead of being grateful for his concern, I pushed him away. And now, I'm suddenly being friendly.

Tumikhim ako at nagpaalam sa kanya kung puwede kong buksan ang radyo. Nagkibit-balikat lang siya kaya naman binuksan ko ang radyo sa kotse niya.

So why can't it be?

Why can't we be lovers?

Only friends

You came at the wrong place at the wrong time

"Why can't we be together?"

Napapikit ako nang maalala ang sinabing iyon ni Torn. Paglingon ko sa kanya ay saktong napatingin din siya sa akin. Probably, parehas kami nang iniisip ngayon. So in the end, pinatay ko na lang ang radyo.

"We're here..." Huminto si Torn sa pancake house na paborito kong kainan.

"It's my favorite..."

"I know."

Bago ko pa masigurado ang sinabi ni Torn ay mabilis siyang nakababa sa kotse at pinagbuksan ako ng pinto. Tahimik kaming naglakad papasok hanggang sa naka-order kami.

"What's wrong with you? Are you sick?"

Mapait akong ngumiti. "I am sick..."

"What? Then why are we here—"

"Kidding. Over fatigued lang nga hindi ba? Everything's been so stressful these past few days,"

"I'm –"

"Enough. I don't want to hear you're sorry, Torn. This will be our last time spending time together, come to think of it, wala pa nga tayong matinong pagsasama then why? Why did we fall for each other?"

"Kailangan bang may dahilan ang lahat?" balik-tanong niya sa akin.

Hindi na ako tumugon hanggang sa dumating ang inorder naming dalawa. Tahimik kaming kumain at kahit na wala akong gana katulad ng mga nakaraang araw mabilis kong natapos ang pagkain ko. Nang tingnan ko si Torn ay hindi niya pa nakakalahati ang inorder niya.

"Torn?" pagtawag-pansin ko sa kanya nang manatili ang tingin niya sa plato pero halatang wala roon ang isip niya.

Tila hindi niya ako narinig kaya iwinagayway ko ang kanang kamay ko sa harap ng mukha niya.

"Do you still want to order?" tanong niya nang makita ang plato kong wala ng laman.

Umiling ako.

"What about their frappe? Don't you want to try it?"

Muli akong umiling. "I'm not a fan of cold drinks."

Tumango-tango siya. "I see, so shall we go?"

"Hindi mo man lang ba uubusin iyang pancakes mo?"

"Hindi ka ba nagmamadali?"

"Hindi naman, nakapagpaalam na ako sa office kaya hindi na rin ako papasok...Kaya aantayin na kita hanggang sa matapos kang kumain."

At mukhang hindi na ko makakapasok pa...

Tumango siya at nag-umpisa muling kumain. Pero lumipas ang halos kalahating minuto ay hindi pa rin siya tapos. Sapagkat nang matapos siyang kumain ay muli siyang umorder ng pagkain.

Hindi ko iyon pinansin at ang nasa isip ko na lang ay sadyang nagugutom siya pero kumunot ang noo ko nang mapansin na tila pinipilit niya na lang ang sariling kumain.

"What do you think you're doing? Balak mo bang ubusin ang laman ng pancake house na 'to?" pagpigil ko sa kanya nang tangkain niya na namang tawagin ang waiter.

"I-I'm hungry..."

Kumunot ang noo ko. "Tapatin mo nga ako Torn, gutom ka ba o gusto mo lang na magtagal tayo rito?"

"Fine. You're right, I don't want this breakfast to end. Gusto kong manatili kang kasama ka—"

"Let's not waste our time here. Puwede mo ba akong samahan sa Bulacan?"

"—kasi alam kong—Wait, what did you say?"

"Kung pwede mo akong samahan sa bulacan?"

"Are you serious?"

"Do me one last favor Torn, spend this day with me..." Yumuko ako para hindi niya makita ang pagpatak ng luha sa pisngi ko.

I just want to be happy even for just a day...I just want to forget everything even for just a day...with the person I love.

TBC

-Hanggang dito pa lang natatype ko at malapit nang mag-isang buwan ang huli kong update so I decided to just publish it kaysa nakatambak sa computer ko. Pero mahaba talaga ang outline ko for Chapter 93 so hintay lang po tayo! Guys, ang dami ko pong inaasikaso sa buhay ko so hindi ko na maisingit ang pagsusulat but rest assured di ko paabutin ng taon na naman 'to. Advance Happy Valentine's Day everyone!!!

Two Bad Boys Beside Me (COMPLETED)Where stories live. Discover now