Epilogue

283 11 5
                                    

Scarlet's POV

~after 8 years~

"Aahhh.... Shane, pakitawag naman ng kuya mo oh. Sabihin mo sa kanya na masakit na ang tiyan ko. Manganganak na ata ako! Aaaaahhh!"

Bumangon naman ako sa higaan ni Ate Jenifer. Binabantayan ko kasi siya. Mahirap na kapag buntis.

Pumunta ako sa work room ni kuya and as always, busy pa rin sa office works.

"Kuya, manganganak na raw siguro si Ate Jenifer" sabi ko sa kanya.

"Okay, sure" sagot niya naman. Pagkatapos nun ay lumabas na ako. Sasarahan ko pa lang yung pinto nung marinig kong sumigaw si kuya.

"Huh?!?! Ano???!!!" Sigaw niya.

Doon ko pa lang narealize yung mga pinagsasasabi ko kanina.

(*O*)!!

Nakapasok uli ako sa kwarto ni kuya.

"Aaaahhhhh!!!! Kuya!!! Magiging Daddy ka na!!!! Bilisan mo!!! Manganganak na si Ate Jenifer!!! Yung baby niyo baka mauna nang lumabas bago pa makarating ng hospital!!" Taranta ko namang sabi kay kuya.

Si kuya naman mabilis pa sa alas kwatrong nagpalit ng damit pantaas at nagsapatos para dalhin si Ate Jenifer sa hospital.

"Kuya!! Magkaibang sapatos ang suot mo!!" Sigaw ko kay kuya pero hindi niya na ako narinig. Hay, ang mga magiging first time parents talaga.

Sina kuya, manong at manang muna ang pumunta ng hospital para dalhin si Ate Jenifer.

Kaya ang naiwan naman dito sa bahay ay ako at......
.
.
.
.
.
.
.
Si Alex, or should I say, Oppa.

Simula nung makalabas ako ng hospital 8 years ago, hinanap ko agad siya.

Narealize ko kasi na I'm in love with him, at kahit na anong mangyari, hindi maaalis ang katotohanan na mahal na mahal ko siya.

7 years na kami ngayon ni oppa. 1 year muna siyang nanligaw bago ko siya sinagot.

Si kuya naman at si Ate Jenifer, kinasal pa lang last year. Pakipot pa nung una si Ate Jenifer pero yun pala bibigay din. Ngayon ay 1 year na silang kasal ni Kuya at ngayon, rin siya manganganak and it's a boy, according to the ultra sound.

"Hindi ba tayo susunod sa kanila Tigress?" Tanong sa akin ni oppa.

"Nakakainggit sina Tom at Jenifer ano, buti pa sila magkakaanak na. Eh tayo kaya, kailan tay—"

*pook*

Hindi niya natapos ang sasabihin niya dahil siniko ko siya.

"Wag ka nga munang mag-isip ng mga ganyang bagay. Bata pa tayong dalawa" sabi ko sa kanya.

"Si Tigress naman, galit agad. Ang sasabihin ko sana ay, kailan tayo pupunta ng hospital para bisitahin si Jenifer. Ayaw mo bang marinig ang first cry ni baby?" Sabi sa akin ni oppa.

"Eh ikaw kasi, hindi mo man lang pinaintindi. Masakit ba?" Tanong ko sa kanya habang hinihimas yung parteng siniko ko.

"Oo, masakit. Kiss mo nga ako dito para mawala" sabi niya habang tinuturo ang lips niya.

*pak*

"Asa ka, maghohokage ka na naman" sabi ko sa kanya.

Pero bago umalis...

*smak*

Ikiniss ko muna siya sa cheeks. Hanggang dun lang muna.

Saka tumakbo na ako papunta sa kwarto ko para magpalit ng damit.

My Brother is My LoverWhere stories live. Discover now