Chapter 59~ The Truth

192 5 0
                                    

Scarlet's POV

(-_•)
.
(•_-)
.
(•_•)

Nagising ako sa isang puting kwarto. Nakita ko na may dextros ako. Teka, nasa hospital ba ako?

"Shane, gising ka na pala. How are you feeling?" Nakita ko na nakaupo pala si ate Jenifer sa isang sofa malapit sa hinihigaan ko.

"What happened?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi mo ba naaalala?" Tanong niya naman sa akin.

*BANG!!*

Bigla kong naalala lahat ng nangyari sa amin sa bodega.

"Ate Jenifer!!! Si-si kuya? Si Alex? Ate Jenifer asan si Alex? Okay lang ba siya? S-si, Fin?" Pagtatanong ko kay ate Jenifer.

Nakita ko naman si ate Jenifer na yumuko nung tanungin ko sa kanya si Fin. Parang sumama ang kutob ko sa pinapakita sa akin ni ate Jenifer.

"Bakit parang naririnig ko na ang boses ng princess ko" narinig kong sabi ni kuya habang pumapasok sa kwarto ko.

"Kuya, asan po si Alex, eh si Fin po, kamusta?" Tanong ko sa kanya.

Dahan-dahang lumapit sa akin si kuya. Sa paglalakad pa lang niya parang alam ko na ang sasabihin niya.

Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko.

"Letty, bago ko sabihin sa'yo... huminga ka na muna ng malalim" pag-uutos sa akin ni kuya.
.
Inhale
.
Exhale
.
Ginawa ko naman yung sinabi niya at nakinig na sa kung ano man ang sasabihin niya sa akin.

"Letty, I'm sorry to say this pero wala na si Fin. Hinarang niya yung balang dapat ay tumama sa'yo" mahinahong paliwanag sa akin ni kuya.

Napatigl ako dahil sa nalaman ko. Pero hindi dahil sa nalulungkot ako. Nalulungkot ako dahil nawalan ako ng kaibigan, pero masaya rin ako para sa kanya dahil kahit papano alam ko na hindi pa rin nawawala ang Finnier na nakilala ko.

I knew that there was still some good in him. Sana lang nakasama ko pa siya ng mas matagal.

"Letty, are you alright? Huminga ka lang ng malalim. Alam kong mahirap tanggapin yun pero yun talaga siguro ang kapalaran niya" paliwanag sa akin ni kuya habang pinapakalma ako.

"Kuya, I'm fine. Actually, I'm happy for Fin" sabi ko sa kanya.

"Huh? You are? Shane, patay na si Fin. Nagsasaya ka?" Tanong sa akin ni ate Jenifer. Sa tingin ko hindi niya ako naintindihan.

"Masaya ako dahil at last, malaya na rin sa wakas si Fin. Alam ko na kinulong siya ng sarili niyang galit kaya naging ganun siya kasama. Pero ngayon ay nakalaya na siya sa mga dinadala niyang sakit at galit" paliwanag ko sa kanya.

Napangiti na lang si kuya dahil sa sinabi kong yun.

"Mukhang nagmamature na ang little princess ko ah" sabi niya sa akin.

"Kuya, hindi na ako bata" sabi ko naman sa kanya. Sa laki ko ba namang ito, tatawagin niya pa rin akong little princess.

"Eh ano naman, kahit na tumanda ka pa, little princess pa rin ang itatawag ko sa'yo. Tulad nito, kahit tumanda pa itong babaeng katabi ko, ms. Tomato babe ko pa rin ito" sabi naman ni kuya habang nakatingin kay ate Jenifer.

Hhhhmmmm...... I smell something fishy about this two. May something ba talaga.....

Awkward namang ngumiti sa akin si ate Jenifer. Parang may tinatago...

"Sige little princess. Magpahinga ka na muna dito, lalabas lang kami ng ate Jenifer mo" sabi naman ni kuya habang hinihila si ate Jenifer papalabas ng kwarto ko.

My Brother is My LoverWhere stories live. Discover now