Chapter 39~ "I Have To"

118 5 0
                                    

Alex/Tom's POV

Lunch time na, naalala ko na naman tuloy yung Jennicang yun. Bahala siya sa buhay niya, maghintay siya doon sa wala.

Papunta na ako ngayon sa classroom nina Letty para sabay na kaming maglunch. Malapit na sana ako sa classroom nila nang harangin ako ng J trio.

"Your lunch is ready" sabi sa akin ni unggoy.

"Paki sabi na lang sa kanya, thanks but no thanks. May mga kasama akong kakain" sabi ko naman sa kanya.

"It's rude to reject an offer from a girl, dude" sabi naman ni John Micheal.

"Pinagbigyan ko na siya last time" sagot ko naman sa kanya.

"Eh di pagbigyan mo siya uli ngayon. And besides, ayaw mo naman sigurong may masamang mangyari sa kapatid mo" sabi naman sa akin ni John Jackson.

Napakuyom ako ng kamay sa narinig kong yun. May binabalak ba sila?

"Anong ibig mong sabihin?" Seryosong tanong ko sa kanya. Dahan-dahan namang lumapit si Kevin at may ibinulong sa akin.

*PAK*

Kusang gumalaw ang kamao ko at tumama sa mukha niya, dahilan para mapaupo siya sa lupa.

Hindi ko alam kung bakit ko yun nagawa. Siguro dahil sa galit at gulat. Buti na lang at walang nakakita.

"Anong nalalaman mo?" Tanong ko sa kanya habang binibigyan siya ng matalim na tingin.

"Huminahon ka pare, mapag-uusapan naman ito eh" pag-aawat sa akin ni Micheal at Jackson.

Tumayo uli si Kevin at lumapit sa akin. Hindi pa siguro ito nakontento sa ginawa ko sa kanya.

"All in good time, malalaman mo rin. Now kung gusto mong malaman ang kasagutan sa tanong mong yan, sumunod ka na lang" sabi niya sa akin.

Wala akong ibang magawa, kailangan kong sumunod sa kanila. Naglakad na kami papuntang canteen nang makita kong lumabas na sina Letty.

Nakita ko ang kwestyonableng tingin ng mga mata niya. Na para bang tinatanong ako kung may masama bang nangyari kaya kasama ko sila.

Gusto kong sumagot sa kanya. Gusto kong tumakbo papunta sa kanya at magpaliwanag pero hindi ko magawa.

Then nakita kong nagbago na naman ang expression niya. Parang magkahalong inis at galit ang nakikita ko.

'I'm sorry Letty'

Scarlet's POV

"Bakit naman kaya kasama ni Tom ang mga lalaking yun? Ah right, sabay pala silang maglulunch ni Jennica" nakakainis naman itong si Fin.

Kailangan niya ba talagang sabihin yun sa mukha ko?! Hindi ko alam kung insensitive ang taong ito o sadyang slow lang talaga. <(`^´)>

Nakita na namin si ate Jenifer na papunta sa amin.

"Oh, what's with that face?" Tanong sa akin ni ate. "May nangyari ba?" Tumingin naman siya kay Fin.

"Eh kasi nakita niya si Tom na kasama yung J trio papunt—" hindi ko na pinatapos si Fin at naglakad na.

"Tara na nga! Nagugutom ako sa mga pinagsasasabi niyo" sabi ko habang naglalakad.

Nakarating na kami sa canteen, nakakainis naman. Una kong nakita sa loob sina Jennica at kuya.

Kumulo ang dugo ko. Parang gusto ko ulit sabunutan ang babaeng ito. Gusto ko uli siyang bigyan ng 180 degrees na sampal.

Bakit ka ganyan Letty?!! Sabi ko na sa'yong hindi pwede ang nararamdaman mong yan!!

My Brother is My LoverOù les histoires vivent. Découvrez maintenant