Chapter 37~ Table's Turned

125 4 0
                                    

Alex/Tom's POV

Sa wakas, makakapasok na uli ako. Namiss ko na rin kasing pumasok, namiss ko nang makasamang maglunch si Letty kasama sina Jenifer at yung ungas na si Fin, kahit nakakainis ang tukmol na yun, nakakamiss rin pala siya.

Namiss ko kasing mainis sa kanya. Hindi man lang ako dinalaw nung nasa hospital ako.

Nakarating na kami ni Letty sa gate. Nakita na namin sina Jenifer at Fin. Himala, maaga ang tukmol ngayon.

"Hi guys!!" Pagbabati sa kanila ni Letty.

"Hi!/Hey!" Sabay na sabi naman ng dalawa.

"Kamusta ka na Thomas? Buti naman at hindi malala yung nangyari sa'yo" sabi sa akin ni Jenifer.

"Oo, buti naman at hindi malala ang nangyari sa'yo. Sorry" sabi naman sa akin ni Fin.

Bakit siya nagsosorry? May nagawa ba siya sa akin?

"Bakit ka naman nagsosorry? May kasalanan ka ba sa akin?" Tanong ko sa kanya.

"Ah... k-kasi hindi ako nakadalaw sa'yo nung nasa hospital ka. I had some family matters to attend to" paliwanag niya naman.

Hhmmm.... family matters daw.... ang sabihin niya, ayaw niya lang dumalaw.

"It's okay, I understand. Hindi naman malala yung nangyari sa akin kaya no need na para mag-aalala pa kayo" sagot ko naman sa kanya.

"So let's go, baka malate pa tayo" sabat naman sa amin ni Letty.

Nanguna na sila ni Fin while kami naman ni Jenifer ay nasa likuran lang nila. May gusto kasing sabihin sa akin si Jenifer.

"Mamayang hapon sa hideout. Ipapaalam namin ni T, ang lahat ng nangyari at nalaman namin nung nasa hospital ka" sabi niya sa akin.

Pero hindi ako masyadong nakaka focus sa pakikinig sa kanya kasi naka tingin lang ako sa dalawang kasama naming nasa unahan.

Wow!! Ang close nila ah!!! Parang ang sarap paghiwalayin.

Hay ewan!! Nagsisimula ka na naman Alexander, behave...

Sabi nga nila.... Be kind to ANIMALS.

Kaya dapat mabait ka lang sa kanya.

"Hoy! Nakikinig ka ba?" Nakabalik ako sa riyalidad ng sigawan ako ni Jenifer.

Napatigil sina Letty sa paglalakad at napatingin sa aming dalawa.

"Okay lang ba kayo dyang dalawa?" Tanong sa amin ni Fin.

"Fine...... were just fine" sagot ko naman sa kanya.

Nagsimula nang maglakad uli sina Letty. Maglalakad na rin sana kami ni Jenifer pero may tumawag sa kanya.

Tinawag siya ng SSG President nila.

"Jenifer, kailangan tayo ngayon sa faculty. Icocontinue natin ngayon ang meeting regarding sa Grand Ball" sabi sa kanya ng SSG President.

Sumama na sa kanya si Jenifer kaya ako naman, ay naiwan mag-isa. Hinanap ko sina Letty pero mukhang nauna na sila.

Kaya tuloy ngayon, mag-isa akong naglalakad. Ang ganda naman, kakapasok ko pa lang uli tapos wala akong kasama papunta sa classroom.

At ang hirap maglakad ng mag-isa. Lahat na lang ng mata nasa iyo. Nagsilitawan na naman ang mga linta.

Napatigil ako ng may marinig na boses ng isang babae. Pamilyar sa akin ang boses niya kaya sinundan ko kung saan yun.

Nakarating ako sa likuran ng isang building. Walang masyadong tao dito. Narinig ko na parang may binabastos na babae, at may narinig din akong boses ng tatlong lalaki.

My Brother is My LoverWhere stories live. Discover now