Chapter 46~ Forever Bracelets

113 4 0
                                    

Scarlet's POV

Hindi na kami bumalik sa ball. Pinauwi na kasi kami ni ate Jenifer. Alam kong nag-aalala siya para sa amin.

~flash back~

"Bakit mo yun ginawa Shane? Alam mo ba ang kalalabasan ng ginawa mong yun?" Tanong sa akin ni ate Jenifer nung makalayo-layo na kami sa kinaroroonan ni kuya.

"Alam ko naman yun ate Jenifer. Wala akong pinagsisisihan sa ginawa ko, mas magsisisi ako kung hindi ko yun nasabi kay kuya. Alam kong mali, pero mali rin ba ang ilabas ko ang totoo kong nararamdaman? Alam kong kuya ko siya, pero rason ba yun para hindi ko siya mahalin?" Paliwanag ko sa kanya.

"Hindi naman masama na mahalin mo si A-Tom... w-which is ang kuya mo, pero iba kasi ang pinapakita mong magmamahal sa kanya. Shane, ano na lang ang sasabihin ng mga tao niyan?" Tanong niya uli sa akin.

"Kailan ba naging mali ang pagiging totoo sa sarili? Ate Jenifer, ayaw ko nang palagi na lang tinatago ang nararamdaman. Ayaw ko nang palagi na lang maghintay sa oras ko. Ginusto kong gawin yun dahil gusto ko na ring sumaya. Gusto ko ring mailabas ang nararamdaman ko" paliwanag ko uli sa kanya.

"Okay nandoon na nga tayo, naiintindihan kita. Naiintindihan ko rin kayo, pero sa tingin mo ba tatanggapin kayo ng ibang tao?" Tanong niya na naman.

"Hindi ko kailangan ang pagtanggap ng ibang tao. Ang kailangan ko lang ay ang kuya ko. Ate Jenifer, kung patuloy ko pang itatago ang nararamdaman ko, malamang baliw na ako ngayon. Kailangan ko si kuya, kahit hanggang sa panahon na kaya ko nang kontrolin ang sarili ko. Sa ngayon kasi alam ko naninibago ako sa nararamdaman ko, pero kapag natuto na ako, baka mapaliwanag ko na kung bakit ganito ang nararamdaman ko kay kuya" paliwang ko uli.

Totoo naman eh. Alam kong naninibago lang ako. Kuya ko siya at alam kong mali ito, pero hindi naman masama kung ilalabas ko ang nararamdaman ko para sa kanya.

Malay natin, kapag nailabas ko ang nararamdaman kong ito, baka malaman ko kung bakit ganito ang nararamdaman ko para sa kanya.

Sa ngayon kasi hindi ko kayang idiscribe ang pagkakaiba ng pag-ibig sa lukso ng dugo. Baka matagal lang talaga akong naghanap ng pagmamahal mula sa kuya ko.

Matagal din siyang nawala, kaya baka yun ang dahilan nito.

~end of flash back~

"Letty, okay ka lang ba?" Tanong sa akin ni kuya habang nakatingin pa rin sa daan.

Nasa loob na kami ng kotse, si kuya ang nagdadrive. Pinakuha niya kasi yung sasakyan namin at sinabihan ang driver na siya na lang ang magdadala.

Kawawa naman si manong driver. Binigyan lang siya ni kuya ng pamasahe para makauwi sa bahay.

"Oo, okay lang ako" sagot ko naman sa kanya.

Itinabi niya ang sasakyan at tumigil muna kami sa may sidewalk. Kwestyonable akong tumingi sa kanya. Bakit kami tumigil dito?

Humarap naman sa akin si kuya. Ano naman kaya ngayon ang gagawin niya?

Oh My God!!! Wag naman po sana!!!! Oo't mahal ko siya pero, hindi naman ganun kamahal para mangyari ito!!!

{{{(>//////<)}}}

"Uhhh.... Letty, kailangan mo ba ng gamot? Bakit nanginginig ka? Gusto mo bang dalhin kita sa hospital? May alam akong malapit na hospital dito..." Natatarantang tanong niya sa akin.

Napamulat naman ako at nakita ang nag-aalala niyang mukha. Ano ka ba naman Scarlet Shane Ramires... hindi naman yun gagawin sa'yo ng kuya mo no.

Of all people, ikaw pa talaga ang makakaisip ng bagay na yan. O to the M to the OMG ka talaga.

My Brother is My LoverWhere stories live. Discover now