Chapter 15~ Sleeping Tiger

211 10 0
                                    

Scarlet's POV

Papasok na uli kami ni kuya ng magkasabay. From now on, I will be myself.

I'm sure maninibago sila sa akin, pero kailangan nilang masanay dahil yun naman talaga ako.

"Hi, Letty!! Musta ang weekend niyo?" Tanong sa amin ni ate Jenifer habang sinasalubong kami sa gate.

"Let's say, it was fun" sabi ko kay ate Jenifer. Mukha namang kwestyunable ang mukha ni ate Jenifer.

Kaya ikwinento ko sa kanya ang mga ginawa ni kuya para lang mapatawad ko siya.

"Hahaha!!! Seriously Tom, nagawa mo yun? Hahaha!! Mukhang handa ka talagang gawin ang lahat para sa kapatid mo" sabi ni ate Jenifer.

"Of caurse, hindi ko naman kakayanin na magalit sa akin ng matagal si Letty" paliwanag naman ni kuya.

"Hey! Mukhang bati na ang magkapatid ah" narinig naman naming nagsalita si Fin sa likuran namin.

"Oo nga eh, at kailangan ko pang maging alipin para mangyari yun" sagot ni kuya.

"Hahaha.... nice bro.... instant servant ka pala ni Shane nung weekend..."- Fin

"Oo, hindi ko nga alam kung ano ang nagtulak sa akin na gawin yun? Siguro dahil na rin sa gusto kong mapatawad na ako ni Letty"- kuya

"Hahaha... tama na nga yan at baka malate pa tayo" sabi naman ni ate Jenifer.

Naglakad na kami papapunta sa mga classroom namin.

"Hi princess!! *insert kaplastikan* papunta na kayo sa classroom niyo? Sabay-sabay na tayo!" Bigla namang sumulpot si Jennica kasama ang mga bruhilda sa harapan namin.

Kita kong plastic ang pakikitungo niya sa amin. Pilit lang kasi ang ngiti niya, hindi ba naman marunong gawing natural man lang ang ngiti, kahit FAKE?!

"No thanks, ayaw ko kasing masira ang araw ko" then I gave her a very cute sarcastic smile.

This bitch can't fool me, iba na kaya ako ngayon. Yang pinapakita niya, wala pa sa kalingkingan ng pag-uugali ko.

Alam kong lumaki ako sa ilalim ng mga rules nila daddy at ng Aris group. But I can also be bitchy sometimes, at kung gugustuhin ko, baka pa nga all the time.

I may be the princess of Aris Group, but that doesn't mean na hindi ako spoiled brat.

Ngayon ipapakita ko sa kanya ang meaning ng kasabihang, 'Don't judge a book by its cover'. Don't ever judge me Jennica, cause you still don't know me.

Nakita ko naman na mukhang napikon siya sa sinabi ko pero itinago niya pa rin yun sa fake smile niya.

"Ikaw naman, ang aga-aga ang sungit mo. Sige papanget ka niyan" sabi uli ni Jennica na pinipilit talagang maging friendly. Hindi naman bagay sa kanya.

"Don't worry, may mga dermatologist kami. Kaya hindi issue sa akin ang pumanget. Maybe sa'yo oo, but not me" narinig kong napatawa ng kaunti si ate Jenifer kaya ngumiti rin ako, in a bitchy way.

Hindi siya napasagot kaya umalis na kami. Tulala naman ang tatlong bruhilda sa ginawa ko.

"Woah........!!! Tom, anong ginawa mo kay Shane?! Ba't nagtransform siya ng ganyan?" Narinig ko namang tanong ni ate Jenifer kay kuya.

"Siguro may pinakain ka sa kanya no" sabi naman ni Fin. Hindi nga talaga sila makapaniwala na ito talaga ako.

"Hindi ako ang dapat niyong tanungin tungkol diyan" sabi naman ni kuya.

My Brother is My LoverWhere stories live. Discover now