Chapter 16~ The Moves

188 9 0
                                    

Alex/Tom's POV

Nabigla ako kanina sa nasabi ko. Hindi naman yun sinabi ni Thomas, bakit ko yun sinabi sa kanya?

Mukhang napasarap ang kwentuhan namin kaya nakakalimutan ko na kung ano ang mga dapat kong sabihin sa kanya.

Okay lang naman sa kanya ang ganung pagtawag ko, pero ang hindi ko masisiguradong okay ay si Thomas.

Hindi ko alam kung okay lang sa kanya na tawagin kong tigress ang kapatid niya.

Hay bahala na, tawagan lang naman yun di ba, hindi naman yun nakakasakit.

Nakarating na rin kami sa bahay. Si Letty, hindi maalis-alis ang ngiti sa mukha.

"Kuya, can you do me a favor? Can you still cook for me. Ginaganahan kasi akong kumain sa mga niluluto mo" sabi ni Letty.

"Sure, why not" sagot ko naman.

Ngumiti naman siya saka masiglang lumabas ng sasakyan at pumasok ng bahay.

Ang dali mag-iba ng mood niya, hindi halata na galit pa lang siya kanina. Not a hint of anger is shown in her face.

Hindi nga ako makapaniwala na ang masigla at masayahing babaeng ito ay yung nakipag-away na babae sa school.

Ngayon, naniniwala na ako na hindi dapat husgahan ang isang tao sa panlabas lamang. Looks can be pretty deceiving.

Pumasok na rin ako sa bahay, nagulat naman ako nung sinalubong ako ni uncle.

"Kamusta naman ihjo? Nahihirapan ka ba sa mga kailangan mong gawin?" Pagtatanong niya sa akin.

"Hindi naman po uncle, palagi ko naman pong kausap si Thomas para hindi ako mabuko kapag nalilito ako, kung sakali" paliwanag ko sa kanya.

Mahina lang ang pag-uusap namin para hindi kami marinig ni Letty, o kung sino pa man.

"Hoy, kamusta ang alaga ko? Binabantayan mo ba siya ng maayos sa school?" Pagsasabat naman ni manang na nasa likuran ni uncle.

"Hinaan mo lang ang boses mo Lucy, maririnig ka niyan ni Letty" pagsasaway naman ni uncle kay manang.

"Okay lang naman po si Letty. Pero kanina po napaaway siya kay Jennica, pe-p-pero hindi naman po siya nasaktan o napahamak. Isang maliit lang na girl fight" palusot ko.

Ano ba namang palusot ito, halata namang nagsisinungaling ako.

"Ano?!" OA na reaction ni manang.

"Shhh!!! Ano ba Lucy..."- uncle

"Sorry naman"- manang

"Ba't hindi mo siya pinigilan ihjo?"- uncle

"Eh, nakapangako po kasi ako sa kanya na hindi ko na siya pakikialaman sa mga gagawin niya. Yung ipinangako ko po doon sa terrace, isa po yun doon" paliwanag ko sa kanila.

Hindi ko naman pwedeng baliin ang pangakong yun kasi yun ang dahilan kung bakit pinatawad ako ni Letty. Sila pa nga ang naging witness sa pangangako ko kay Letty.

"Eh, wala pala tayong magagawa diyan, nakapangako ka na sa kanya. Sige ihjo, magpahinga ka na at alam kong pagod na pagod ka ngayon" sabi ni uncle kaya sinunod ko naman.

~Sa Kwarto~

Ibinagsak ko ang buo kong katawan sa higaan. Hindi ko alam kung ano ang mga nangyari ngayong maghapon.

Ibang Letty kasi ang nakasama ko maghapon. Hindi ito ang babaeng nakita ko noong una akong pumasok sa bahay na ito.

Mali pala yung sinabi ko na hindi siya makakasurvive ng mag-isa sa mundo. Kaya pala siya nakasurvive ng ganito ka tagal sa kakahintay sa kuya niya, dahil pala sa malakas talaga ang loob niya.

My Brother is My LoverWhere stories live. Discover now