Chapter 5~ Worried

252 14 0
                                    

Manang Lucy's POV

Umuwi na kami galing sa ospital, kailangan na rin namin ng pahinga.

Magmula ng umalis kami doon hanggang sa makarating kami sa bahay ay walang imik si Scarlet.

Naaawa ako sa bata dahil, wala na nga sa tabi niya ang kuya niya, mawawala pa ang mga magulang niya.

Ngayon na wala na ang magulang niya, maaaring pati si Scarlet ay manganib.

Ngayong wala silang nakikitang tagapagmana ng kumpanya, maaaring puntiryahin nila si Scarlet.

Marami ang mag-aalok ng kasal sa kanya para lang magkaroon ng tagapagmana ang kumpanya at angkinin ito.

Wala pa sa tamang edad si Thomas kaya hindi niya pa pwedeng manahin ang kumpanya.

Delekado rin kung lalabas siya agad ng ganito, maaaring mangyari sa kanya ang nangyari sa mga magulang nila.

Matagal na nagkulong sa kwarto si Scarlet.

Naririnig kong umiiyak siya, pero pinipigilan niyang maging maingay.

Ilang beses ko nang kinakatok ang pinto niya, pero hindi niya pa rin binubuksan.

Nag-aalala na ako kasi baka kung ano ang gawin niya.

Wala na akong nagawa kaya tinawagan ko si Sebastian, ang nagpalaki kay Thomas.

"Hello, oh kamusta na si Scarlet?" tanong sa akin ni Baste.

"Eto, nagkukulong pa rin. Nag-aalala na ako dahil hindi pa siya lumalabas ng kwarto niya" paliwanag ko sa kanya.

"Talaga, baka kung anong gawin niya? Tingnan mo kung maayos lang siya" -Baste

"Ginagawa ko na, hindi niya naman ako pinapapasok. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko.... sa tingin ko hindi ako ang kailangan niya ngayon. Anong gagawin ko?"- ako.

"Aba'y hindi ko alam. Namomroblema nga din ako kay Thomas. Hindi rin matigil sa pag-iyak, at nagwawala pa"-Baste

"Alam na niya?"-ako

"Oo, sumunod siya sa ospital. Tapos, nung pagbalik niya, iba na ang kilos niya. Depress na depress nga eh"- Baste

"Ano na ang plano? Papano na ang mga bata?" -ako

"Kahit anong mangyari, gawin pa rin natin ang sinabi sa atin nila sir. Mananatiling nakatago si Thomas hanggang sa makarating siya sa tamang edad. Ngayon, ang gawin mo naman ay protektahan si Scarlet sa mga maaaring magtangka sa kanya"- Baste

"Sige, gagawin ko ang makakaya ko pero hindi ko masisigurado na makakaya ko ito ng mag-isa"-ako

Natapos na ang pag-uusap namin dahil narinig kong bumukas ang pinto ng kwarto ni Scarlet.

Pinutol ko muna ang tawag ni Baste para tingnan kung ayos lang ang alaga ko.

Sebastian's POV

Naputol ang tawag ni Lucy dahil titingnan daw muna niya kung kamusta na si Scarlet.

"Anong nangyari kay Letty?"

Nagulat na lang ako nang biglang nagsalita sa likuran ko si Thomas.

"Tom! Wag ka namang manggulat ng ganyan! Kita mo namang matanda na ang uncle mo"

Pagpapalusot ko sa kanya para hindi siya magtanong pa tungkol kay Scarlet.

"Ano nga po ang nangyari kay Scarlet?!! Uncle please!!" Hindi gumana ang palusot ko.

Wala akong nagawa kundi ang sabihin sa kanya.

"Tom.... ang kapatid mo kasi, nagkulong sa kwarto. Hindi alam ni manang Lucy kung ano ang gagawin kaya tumawag siya sa akin. Yun lang yun" paliwanag ko naman sa kanya.

"Yun lang yun? Uncle, yun lang yun?! Kapatid ko ang pinag-uusapan natin dito uncle, tapos sasabihin mo, 'yun lang yun?!' Hindi tayo naglolokohan dito!" Patay, nagalit na yata.

Mabilis na pumunta si Thomas sa kwarto niya, paglabas niya nakita ko siya na iba na ang suot na damit?

"Teka, ihjo saan ka pupunta?" Hindi niya ako pinansin at dumiretso sa pinto.

Bubuksan niya na sana ng.....

"Gusto mo bang masayang na lang ang ginawang sakripisyo ng mag magulang mo?!" - ako.

Napatigil siya at tiningnan ako.

"Hindi mo ba alam kung gaano kabigat para sa isang magulang na ilayo sa kanila ang anak nila? Kung magpapakita ka ngayon, masasayang lahat ng pagtitiis nila. Makikilala ka ng mga nais umangkin ng kumpanya, at manganganib ang buhay mo" - ako.

"Eh, anong gusto niyong gawin ko? Maghintay na lang dito na parang tangang naghihintay ng balita kung kailan pati ang nag-iisa niyang kapatid ay mawala din sa kanya?!" - siya.

"Ang gusto kong gawin mo, ay matuto kang maglaro ng wais. Mag-isip ka ng paraan kung papaano mo mapoprotektahan ang kapatid mo at ang kumpanya ng hindi nabibisto at hindi napapahamak. Hindi yung padalos-dalos ka lang sa mga desisyon mo. Pano kung mapahamak ka, eh di mas lalong mapapahamak ang kapatid mo" paliwanag ko kay Thomas.

Mukha namang nakuha niya ang ibig kong sabihin.

"Ngayon, magpahinga ka na muna, madaling umaga na, hindi ka pa natutulog. Diba may pasok pa kayo bukas? Magpahinga ka na"

Pagkasabi ko nun ay bumalik naman si Tom sa kwarto niya. Saglit kong tiningnan, at nakita kong naghahanda na siyang matulog kaya umalis na ako.

Manang Lucy's POV

Pumunta na ako sa kwarto ni Scarlet. Nakita ko na nakabukas na ang pinto.

Pumunta ako sa garden dahil baka nandoon siya.

Wala siya doon, hinanap ko pa sa ibang parte ng bahay na kadalasan niyang pinupuntahan, pero wala.

Kinabahan na ako, saan naman kaya siya pumunta?

Pumunta uli ako sa loob ng kwarto niya. Nagulat naman ako nang makita ko siya na lumalabas pa lang sa cr ng kwarto niya.

Magang-maga ang mga mata niya, ang pula-pula ng ilong niya pati ng pisngi niya. Nataranta naman ako at kinuha ang gamot niya.

Umiinom si Scarlet ng inti-depressant na gamot.

Noon kasi, umiinom siya nito dahil sa hindi siya makatigil sa pag-iisip sa kuya niya.

"Inumin mo na 'to ihja" binigay ko sa kanya ang gamot niya.

"Ayoko, hindi ko yan kailangan manang. Alam mo naman kung ano ang kailangan ko ngayon diba?" sagot niya naman sa akin.

"Pero ihja hindi pwede ang gusto mong mangyari, mapapahamak kayo ng kuya mo. Ngayong wala na ang mommy't daddy niyo, mas lalala ang sitwasyon kung lalabas siya agad" paliwanag ko naman sa kanya.

"Then leave me alone. It's better to be this way. Besides ganito naman ako lumaki......... mag-isa" sabi niya sa akin saka humiga uli sa higaan niya.

Hindi ako makapaniwala na si Scarlet ang nagsasalita kanina. Ni minsan hindi naging ganun ang pananalita niya sa akin.

Masayahing bata si Scarlet kaya bakit ganun ang sinabi niya sa akin.

Kung pwede ko lang talagang dalhin siya nang palihim sa kuya niya para kahit papano ay mawala naman ang dinaramdam niya, ginawa ko na sana.
Pero hindi talaga pwede, manganganib silang magkapatid.

Ano na ba ang gagawin ko? hindi ko kayang tingnan ang alaga kong nagkakaganito.

[Edited]

My Brother is My LoverWhere stories live. Discover now