Chapter 35~ Scorpio Gang

139 3 0
                                    

Thomas' POV
.
.
.
"Chief, sorry po hindi namin agad sinabi sa iyo. Pinagbawalan kasi kami na ipaalam sa'yo"

"You still need to inform me of what this gang will do!! Leader niyo ako, for God sake!!"

"Sorry po chief, hindi na mauulit"

"Talagang hindi na dapat maulit, muntik na niyong ipahamak hindi lang ang ibang tao, kundi pati na rin ang mga gang members natin!"

"Sorry po talaga chief"

"And worse... baka madakip pa kayo ng pulis! Gusto niyo bang maging kriminal?!"
.
.
.
Pinakikinggan ko ang pag-uusap ng mga master mind ng pagpapahamak kay Lex at pagkidnap kay Jenifer.

Nilagyan ko ng recording device ang jacket ng isa sa mga taong nakasagupa namin kanina.

Ang gusto ko ngayon malaman ay kung sino ang leader nila at kung anong klaseng gang sila.

Narinig kong tumunog ang alarm ng isang CCTV. Tinignan ko sa monitor kung sino yun. Nakita ko naman ang kotse ko na pumapasok.

Bakit naman iniwan ni Richard si Jenifer sa bahay? Sabi kong manatili lang siya doon para bantayan si Jenifer.

Tumayo na ako para salubungin si Richard.

"Ikaw! Bakit mo iniwan si-" laking gulat ko nang makita si Jenifer na nakatayo sa pinto.

Naka point pa sa kanya ang daliri ko, kaya madali ko naman itong ibinaba.

Nauna na siyang pumasok sa loob. Tumingin naman ako kay Richard.

"Sorry po sir, hindi po kasi nagpapigil kaya dinala ko na lang po siya dito" sabi ni Richard habang naka yuko.

Hinabol ko si Jenifer sa loob at pinigilan siya sa pagpasok.

"Di ba sabi ko sa'yo magpahinga ka na muna?" Sabi ko sa kanya.

"But I'm fine. Kaya ko na ang sarili ko. And besides, gusto ko namang makatulong" sabi niya naman sa akin saka umiwas at nagpatuloy papasok.

Hinawakan ko siya sa kamay kaya napatigil siya.

"Umuwi ka na, nakatulong ka naman eh. Now you need to rest, I'll inform you kapag may nalaman na ako. Tyaka mag-uumaga na kaya, gusto mo ba talagang maabutan ng umaga sa isang lugar kasama ang isang lalaki" pagpupumilit ko sa kanya.

Dahan-dahan niyang inalis ang kamay niya sa pagkakahawak ko.

"Kaya ko'to, don't worry. Tyaka FYI, wag kang mag-iisip ng kahit na ano. Nandito ako for the mission, hindi tulad ng inaakla mo" sabi niya saka naglakad na naman uli.

Hay, ang miss tomato babe talagang ito, hindi papaawat. Gustong masunod palagi.

"Sige, pero kapag may maramdaman kang masakit. Uuwi ka na, at wala nang pero-pero" sabi ko naman sa kanya.

Pumunta na kami sa inuupuan ko kanina. Pinadinig ko sa kanya yung pinakikinggan ko kanina.

"So ibig sabihin nito, isa silang gang? Ah, tama!" Narinig kong sabi niya. May nalalaman ba siya?

"Pero hindi naman chief ang tawag nila sa leader nila. Narinig kong boss ang sabi ng isang lalaki" sabi niya uli.

So maaaring dalawang tao ang namamahala sa kanila.

"At ano naman kaya ang kinalaman ng scorpion sa gang nila?" Tanong sa akin ni Jenifer.

So ibig sabihin nito, ang simbol ng gang nila ay scorpion and ang taong gustong sumakop sa kumpanya, ay ang leader ng gang na yun.

"Kailangan nating mag madali Thomas. Sigurado akong alam na nila na may nalalaman tayo. If we won't make our move, the enemy will make their's" paliwanag sa akin ni Jenifer.

My Brother is My LoverDonde viven las historias. Descúbrelo ahora