Chapter 54~ Take Over

91 2 0
                                    

Scarlet's POV

*SLAM!*

Hindi ako makapaniwala na magiging ganito ang araw na ito. Eh di sana hindi na ako nag-effort na maghanda ng breakfast.

Yung dapat maging happy day, naging catasrophe day. Hindi ko lubos maisip na ang kuyang kasama ko simula nung mawala sila daddy ay isang peke.

Kaya pala ganun ang nararamdaman ko sa kanya. Hindi ko naman pala siya totoong kuya. At hindi ko naman talaga siya kadugo. Isa lang siyang manloloko na hinayaan kong lokohin ako.

Narinig kong bumukas, yung pinto at nakita kong pumasok si Chuny. Hanggang ngayon ay umiiyak pa rin siya.

"Noona, are you alright?" Tanong niya sa akin.

Pinunas ko muna yung mga luha ko bago ako humarap sa kanya.

"Shouldn't I be the one asking you that?" Tanong ko rin sa kanya. Siya kaya ngayon ang mas nahihirapan dahil sa harapan niya mismo kinuha ng mga pulis ang mommy niya.

Isang malaking trauma ang sigurado akong maidudulot nito sa kanya.

"Don't mind me, I'm sure that mom will find her way out. She has no guilt, she's innocent and I trust her. I know that she'll come back" sabi sa akin ni Chuny.

Grabe talaga ang batang ito. Parang matanda na kung mag-isip. Umiyak siya ng panandalian pero pagkatapos ay okay na agad, at may paniniwala pang makakabalik ang mommy niya.

Sana ganito rin ang pag-iisip ko. Sana puno rin ako ng positive thoughts. Pero sa tingin ko ay hindi yun mangyayari sa akin.

Ngayon pa nga lang ay para na akong binagsakan ng langit. Saan pa ako maghahanap ng positive thought doon?

"I know that you'll find a way to be happy again, noona. It may not be today, it may not be tomorrow, but I know that it will, someday" pagpapayo sa akin ni Chuny saka umalis na.

Paminsan iniisip ko kung bata ba talaga ang pinsan kong ito. Kung magsalita kasi parang hindi siya eight years old.

Pero tama rin naman siya. Balang araw, magagawa ko rin namang maging masaya uli. Ngayon lang naman ito eh. Syempre mahirap kalimutan ang lahat ng nangyari sa amin ng taong yun.

Pero hindi rin naman magtatagal at makakalimutan ko rin yun lahat.

Sana....

Thomas' POV

Nasa garden ako ngayon at iniisip kung papaano ako magpapaliwanag sa kapatid ko. Alam kong masyado siyang nasaktan sa ginawa ko.

Sana naman maintindihan niya, na yun lang naman ang tanging naisip kong paraan para mapanatili siyang ligtas at yung kumpanya namin.

"Ihjo, ikaw ba ay nag-isip muna ng milyong beses bago ginawa ang bagay na ito?" Narinig kong tanong sa akin ni uncle.

"Sabi niyo po sa akin na kailangan kong matutong maglaro ng wais. Pagdesisyonan ng mabuti ang mga bagay-bagay" paliwanag ko sa kanya.

"Papano naman naging wais ang ganitong bagay, ihjo?" Tanong niya uli sa akin.

"Makikita niyo rin uncle. Hindi na ako tulad ng dati na kailangan pa ng proteksyon niyo o kahit sino pa man. Magmula ngayon, ako na ang bahala sa sarili ko. Magmula ngayon ako na ang magiging responsable sa buhay ko" paliwanag ko uli sa kanya.

"Naiintindihan kita. Pero wag mo pa rin kalimutan na palagi lang akong nandito, kung kailangan mo. Ito naman ang huling habilin sa akin ng ama mo" sabi sa akin ni uncle. Ibig sabihin may sinabi sa kanya si daddy noon.

My Brother is My LoverWhere stories live. Discover now