Chapter 28~ Investigate

125 4 0
                                    

Scarlet's POV

Tatlong araw na ako ngayong nasa ospital. Mag-iisang buwan pa daw akong macoconfine dito.

Si kuya naman, pumapasok pa rin sa school, but sometimes hindi dahil binabantayan niya ako.

Naglalakad-lakad kami ngayon ni kuya sa labas, nakakabagot kasi kapag sa loob lang ako ng kwarto ko.

"How are you now, Letty?" Tanong sa akin ni kuya habang nakatingin siya sa mga puno na dinadaanan namin.

"Fine, now that you are here" out of the blue bigla ko na lang yung nasabi.

Nakita ko na medyo natigilan si kuya sa nasabi ko, pero nagpatay malisya naman siya.

"It's good too hear na okay ka na. Nag-alala talaga ako sa'yo" sabi niya naman sa akin, this time nakatingin na siya sa akin.

"Sorry pala kuya at pinag-alala ko pa kayo" sabi ko naman sa kanya.

Mga ilang minuto naman kaming natahimik ni kuya. Tiningnan ko siya at nakatingin pa rin siya sa mga puno.

Nakikita ko na tumatama sa mukha ni kuya ang liwanag ng araw na lumulusot sa mga ng puno.

Then nagflash back uli sa akin yung nakita ko nang nahimatay ako. Ang nakikita kong kuya doon, ay hindi ko nakikita ngayon.

Ang kuyang kasama ko ngayon ay mahinahon at maaliwalas ang mukha. Ang kuyang nakita ko nang nahimatay ako, ay puno ng pag-aalala.

Masaya ako na hindi na siya ganun. Ayaw ko kasing nag-aalala siya ng sobra sa akin.

"Letty, can you promise me something?" Tanong niya bigla sa akin.

"Anything, kuya" sabi ko naman sa kanya.

"Promise me na hindi na uli ako mag-aalala sa'yo. Kapag nangyari pa kasi ito, hindi ko na alam ang gagawin ko and I don't ever want that to happen. Please, don't make me worried again. Hindi ko na kasi alam ang gagawin kapag may masama pang mangyari sa'yo" sabi sa akin ni kuya habang diretsong nakatingin sa mga mata ko.

Hindi ko naman alam kung bakit bigla na lang uminit ang mga pisngi ko sa sinabi niya.

"Promise kuya, hinding-hindi na yun mangyayari. Hindi na kita papagpa-alalahin kasi, from now on hindi na ako lalayo sa'yo" sabi ko naman sa kanya habang nakahawak ako sa bisig niya.

"That's my princess" sabi niya naman habang nakasmile sa akin.

Ang gaan sa pakiramdam na makita si kuyang nakangiti sa akin. Parang kumpleto na ang araw ko ngayon.

Alex/Tom's POV

Ang saya ko ngayong araw, magkasama lang kami ni Letty maghapon. Ako kasi ang nagbantay sa kanya dahil may pinuntahan si manang Lucy, at si uncle naman ay may aasikasuhin daw.

Nagkwentuhan lang kaming dalawa. Hindi ko ngayon sinuot ang earpiece ko.

Hindi ko alam kung bakit hindi ko yun isinuot, pakiramdam ko kasi magagawa ko naman ang misyon ko ng walang earpiece.

Nakakatuwa si Letty kanina, para kasi siyang bata. Pero, napangiti naman ako sa sinabi niya na hindi na daw siya lalayo sa akin.

Bumalik na kami sa kwarto ni Letty dahil kailangan niya na ulit magpahinga. Hindi pa naman kasi siya fully recovered.

Nang makatulog na siya, narinig ko namang bumukas ang pinto. Nakita ko na pumasok si manang.

May dala siyang mga pagkain. Doon ko lang naalala na hindi pa pala ako kumakain.

Bigla namang tumunog ang tiyan ko.

*Brrrrrg...Brrrrrg...Brrrrrrrg*

Narinig naman yun ni manang at natawa na lang siya. Ako naman nahiya sa inasal ng tiyan ko kanina.

My Brother is My LoverWhere stories live. Discover now