Chapter 36~ She's Surprised

125 5 0
                                    

Alex/Tom's POV

Sa wakas, nakalabas na rin ako ng hospital. Nakakasawa na kasi ang maghapong nakahiga sa higaan.

Hindi ko kasama si Letty papalabas ng hospital. Pinauwi ko muna kasi siya para magpahinga, at gusto ko rin siyang surpresahin.

"Tayo na ihjo, handa na ang kotse" sabi sa akin ni uncle habang kinukuha ang mga gamit ko.

"Opo uncle" sagot ko naman sa kanya.

Bago ako umalis sa kwarto, lumingon muna ako. I took a last glance of my healing chamber.

Goodbye room, kinupkop mo ako ng mga oras na kailangan ko ng tulong. Salamat sa mga oras na inialay mo sa akin. Pang habang buhay kong tatanawin na utang na loob ang ginawa mo para sa akin. Sana patuloy ka pa ring makatulong sa mga nagagailangan. Once again, thank you so much and goodbye.

Angel:
Hala... nagdrama na siya oh.

Shut up!! Moment ko 'to!

Angel:
Sige....... Pak na Pak ang Ganern mo teh.

Sabing quiet ka lang!!

Angle:
Opo! Init ulo agad? Chill ka lang.

Heh!!!

*back to reality*

Sumakay na ako ng sasakyan pauwi.

"Uncle, saan po kayo pumupunta? lately po kasi, parang wala kayo sa bahay. Ano po ang inaasikaso niyo?" Tanong ko kay uncle.

Bigla na lang kasing pumasok sa isip ko ang tanong na yun.

"Alam mo ihjo, ang cub, kailangan pabayaang matuto ng mag-isa para maging magiting na liyon" sabi niya sa akin.

(°_°) ...?? -ako

Hindi ko naintindihan ang sinasabi ni uncle. Anong cub? May alaga ba siyang liyon?

Narinig kong napatawa ng mahina si uncle. Ano naman kaya ang nakakatawa? Pinagtitripan ba ako ni uncle?

"Ang guardian, hindi naman kailangan nandyan palagi sa iyo. Lumalabas lang siya kapag kinakailangan mo" sabi niya uli.

(/ロ゜)ANO DAW?

"Malalaman mo rin"- uncle

Hindi na ako nagtanong pa, baka mas lalo lang akong maguluhan.

Nakarating na kami sa bahay. Nakita kong naghihintay na sa labas sina manang at Chuny.

Pagbaba ko ng kotse, agad-agad naman akong sinalubong ni Chuny, at niyakap ako. Kumirot ng kaunti ang sugat ko, dahil hindi pa naman ito tuluyang naghihilom.

"Chuny, stop it! Your hurting your kuya Tom" sabi naman ni manang kaya bumitaw na rin si Chuny.

"Oh, I'm sorry... pa-pa......taw....ad" Awww... Ang cute ng pagkakabigkas niya ng patawad.

Mukhang nagpapractice talaga siya ng maigi. Nginitian ko na lang siya.

"Manang, si Letty po?" Tanong ko kaya manang.

"Nasa kwarto niya, nagpapahinga" sagot naman ni manang.

Pumasok na ako ng bahay at pumunta na sa kwarto ko para hanapin yung earpiece ko. Naiwan ko yun dito nun dati.

Hinanap ko yun, pero wala akong nakitang earpiece. Sa wakas nakita ko rin, pero bakit ganito?

Bakit sira na ang earpiece ko? Sinong nagsira nito? Paano na ako nito makakaconnect kay Thomas?

Tatawagan ko na sana si Thomas para sabihin ito sa kanya, pero narinig kong may kumatok sa pinto ko.

Pumasok naman mula dito si Chuny. Ano naman ang ginagawa niya dito?

My Brother is My LoverΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα