Chapter 53~ It's Time

105 2 0
                                    

Thomas' POV

Bakit ganito? Si auntie? Of all the people na paghihinalaan ko si auntie pa.

I had my doubts nung una, pero heto't may pruweba na talagang magpapatunay na si auntie talaga ang master mind.

Pero bakit? Dati namuhay naman kami ng masaya. Bakit kailangan gawin ito ni auntie?

"Thomas, nandito na ako. Bakit mo ako pinatawag? Kailangan ko pa talagang iwan ang barkada bonding namin dahil lang sa tumawag ka" sabi sa akin ni Jenifer.

Pinatawag ko si Jenifer dahil gusto ko ngayon ng makakausap, at sa tingin ko siya lang naman ang makakatulong sa akin.

Pinaalis ko kanina si Alex, dahil kung sakaling totoo man yun, kailangan niyang mas bantayan si Letty. Dapat hindi niya na alisin sa paningin niya si Letty, lalo na ngayong nasa bahay lang ang maaaring magtangka sa kanya.

Pinakita ko sa kanya ang nabuong crest ng scorpio gang. Ikinagulat niya ang nakita niyang iyon.

"Papano nangyari? Saan nakuha yung isa?" Tanong niya sa akin, habang kinukuha yung crest at sinusuri ito.

"Nakita ni Alex sa mesa ng CEO sa Aris company" walang ganang sabi ko sa kanya.

"Ibig sabihin, ang CEO ang master mind?" Tanong niya.

"Ang auntie ko" sagot ko naman sa kanya.

Tumabi siya sa akin at hinawakan ang balikat ko, kaya napatingin naman ako sa kanya.

"Thomas, kung ano man ang iniisip mo, pag-isipan mo yang mabuti. Hindi tama na magpadalos-dalos ka sa pagdedesisyon. Ako, nandito lang ako sa likuran mo para suportahan ka, pero dapat siguraduhin mong tama ang desisyon mo" pagpapayo sa akin ni Jenifer.

Hindi ako sanay na makita siyang ganyan, pero pinagaan niya ang pakiramdam ko. Hindi na ako makapag-isip ng tama kanina. Buti na lang at pinayuhan niya ako.

Maghapon kaming nasa hide out ni Jenifer. Hindi niya talaga ako iniwan, at talagang seryoso siya nung sinabi niyang susuportahan niya ako.

Na touch naman ako sa pinapakita niya sa akin ngayon. Mas lalo tuloy akong naiin— focus Thomas, focus. Wala kang time para sa mga ganyan.

"Gabi na Jenifer, baka hinahanap ka na sa inyo" sabi ko sa kanya. Masyado kaming naging busy kaya hindi na namin namalayan ang oras.

"Ah, oo nga pala noh. Gabi na nga pala. So, una na ako" sabi niya sa akin saka tumayo na at naglakad papunta sa labas. Hinintay ko sa monitor na makita siyang lumabas ng hide out, pero hindi siya lumabas.

"Sigirado ka bang kaya mo na lahat ng yan ng mag-isa?" Nagulat na lang ako nung marinig ko ang boses niya sa likuran ko.

Pero aaminin ko, medyo kinilig ako sa sinabi niyang yun. Ayyyyyyiiiiieeeeeehhhh!!!!!

"Oo, okay na ako. Thank you nga pala. Ngayon kailangan mo nang magpahinga, baka mastress ka pa nito" sabi ko sa kanya.

"Eh ikaw, okay lang sa'yong mastress?" Tanong niya sa akin.

Kung malikot lang ang isip ko, iisipin kong may gusto ito sa akin. Para kasing ayaw nang umuwi eh. Ay wait, malikot nga pala ang isip ko. Hihihi...

"Okay lang ako, and it'll take more than this to stress me out. Sisiw lang'to sa akin" sagot ko naman sa kanya.

"Sigurado ka?" Tanong niya na naman.

"Oo, sige na, magpahinga ka na" sagot ko naman sa kanya.

Umalis na siya, pero...

"Sigurado ka talaga?" Ang kulit talaga.

"Oo, sige na umuwi ka na. Baka magbago pa ang isip ko at hindi na kita paalisin pa dito. Gusto mo ba yun. Tayo lang na dalaw di—" hindi ko na natapos ang sinasabi ko dahil tumakbo na papalabas si Jenifer.

My Brother is My LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon