Chapter 49~ Anger... Anger!!

118 3 1
                                    

Alex/Tom's POV

"Oppa, bakit pala ang talaga niyo ni ate Jenifer kanina paglunch. Hindi mo rin ako hinintay sa classroom namin" sabi sa akin ni Letty nung makarating na kami sa bahay.

"May kailangan kasi kaming asikasuhin ni Janifer kaya hindi na kita nasundo sa classroom niyo" sagot ko naman sa kanya.

Umakyat na ako sa kwarto ko pagkatapos ko siyang kausapin.

"Hyung! Your home early" nakasalubong ko si Chuny on the way sa kwarto ko.

"Yeah, we were dismissed early today" sagot ko naman sa kanya.

"Wanna play at the arcade room? I'm on my way there" pagyaya niya naman sa akin.

"I would like to Chuny, but I still have projects to finish. Maybe next time, okay?" Sabi ko sa kanya.

"Okay" sabi niya naman saka nagtungo na sa arcade room.

Ako naman ay dumiretso na sa kwarto ko, marami pa kasi akong dapat tapunsin sa school. Mga project na dapat ipasa at mga homework na dapat sagutan.

Pumasok na ako sa kwarto ko at nagpalit na ng damit. Nilagay ko na ang mga gagamitin ko sa study table ko.

Actually hindi naman masyadong mahirap ang mga gagawin ko. Pwede ko nga itong gawin mamaya na lang dahil madali ko lang naman itong matatapos, pero gusto ko na kasing matapos ito ngayon.

Ayaw ko na kasing maghintay pa mamaya kung may oras naman ako para gawin ito ngayon. Magsisimula na sana ako ng may biglang.

*knock knock knock*

May kumatok sa pinto ng kwarto ko. Lumabas naman mula doon si Letty. Dala niya ang ilang mga notebook at libro niya.

"Hmmmm..... let me guess, need help?" Tanong ko sa kanya.

Napangiti naman siya sa sinabi kong yun. Ang cute ng ngiti niya, parang inosenteng anghel.

"Patingin nga ako" sabi ko sa kanya. Lumapit naman siya sa akin saka inilapag ang mga dala niya sa study table ko.

Kinuha ko yung isang notebook niya. Nakita ko na hindi naman mahirap ang homework niya. Kaya niya nga itong sagutan ng isang minuto lang.

Tumingin ako sa kanya. Nagpeace sign lang siya sa akin. Hay naku, sa tingin ko gusto lang talaga niya akong makasama.

Pero syempre, wag kang assumingero, Alexander. Baka kailangan niya lang talag ng tulong. Ikaw naman Alex, ang gwapo naman ng tingin mo sa sarili mo.

Pinaupo ko na siya sa upuan ko, pero syempre umalis muna ako sa pagkakaupo ko. It's not like pinaupo ko siya lap ko no. May respeto kaya ako sa babae.

Pinaupo ko siya sa upuan ko dahil tuturuan ko lang siyang sumagot sa homework niya pero siya pa rin itong sasagot.

Tumayo lang ako sa likuran niya para gabayan siya sa mga sasagutan niya.

Scarlet's POV

Nag-iinit ngayon ang mga pisngi ko, hindi ko kinakaya ang ginagawa kong ito. Actually, hindi naman talaga mahirap yung mga homeworks ko.

Ginawa ko lang yun na excuse para makasama siya. Pero ngayon parang nagsisisi na ako na ginawa ko yun.

Ngayon kasi, nasa likuran ko si oppa. Nakaupo ako sa upuan ng study table niya, siya naman ang lapit-lapit ng bibig sa tenga ko. Halos naririnig ko na ang hininga niya. Nariringi ko rin ang mahina niyang pagbasa ng mga salita na nakasulat sa homework ko.

Hindi na ako makagalaw ng maayos sa kinauupuan ko. Pakiramdam ko, isang maling galaw ko lang ay baka may mangyaring...... alam mo na.

Angel:
Psst.... bata ka pa.... mag-aral ka nga lang dyan. Wag yung kung ano-ano na lang ang iniisip mo.

My Brother is My LoverOnde as histórias ganham vida. Descobre agora