Chapter 20~ Bisto na!

167 9 0
                                    

3rd Person's POV

"Kuya, let me ask you something. May issue ka ba tungkol kay Fin? Lately kasi parang ang negative ng vibe mo sa kanya" tanong ni Scarlet kay Alexander.

"Huh? Issue? Ano namang issue?" Pagpapanggap naman ni Alexander na inosente sa itinanong ng dalaga.

(Hoy! Hindi ako nagpapanggap!! Talagang inosente pa ako!!)

Shut up!! Hindi ikaw ang nagkekwento dito!!

(Sorry naman, nagpapaliwanag lang kasi ako. Ang init naman ng ulo nito)

Shut up!!

Anyway.... ganun na nga...

"Alam ko na alam mo kuya kung ano ang ibig kong sabihin. Ano ba talaga ang problema mo kay Fin?" Pagtatanong uli ni Scarlet.

"Fine, hindi ko siya gusto. Iba kasi ang dating niya sa akin, lalo na kapag kasama ka niya" padalos-dalos na salita ni Alexander.

Namula naman ang pisngi ni Scarlet sa narinig niya sa kuya niya. Hindi niya alam kung bakit yun nangyayari sa kanya. Kung bakit ba namumula ang mga pisngi niya dahil sa sinabi lang ng kuya niya.

"Uy, Letty okay ka lang? May lagnat ka ba? Namumula ka na" pag-aalala naman ni Alexander nang makitang namumula si Scarlet.

"Ah— o-okay lang ako!" Sabi ni Scarlet saka tumakbo na papunta sa kwarto niya.

Naiwan naman si Alexander na may ngiti sa labi. Tulad ni Scarlet, hindi niya rin alam kung bakit siya napapangiti.

Dahil ba sa nakita niyang expression ni Scarlet, o dahil sa nalaman niyang kaya niyang apektuhan ng ganun si Scarlet.

Jenifer's POV

May hindi tama dito. Kahapon, nakita ko sina Shane at Tom nung pabalik na ako ng table namin.

Ang close nila, and I know that usual naman yun sa mga magkapatid. Ang hindi ko lang maintindihan ay yung pakiramdam ko kapag nakikita sila.

Parang hindi ko nararamdaman ang vibe ng pagiging magkapatid nila. Parang iba ang nakikita ko sa kanila. Ang weird ko ano... nababaliw na ata ako.

*riiing riiiing riiiing*

Nagulat naman ako ng bigla ko na lang narinig na nagring yung cellphone ko. Sino naman kaya ito?

"Hello?"

"Hi ate Jenifer, free ka ba today?"

Si Shane lang pala, ano naman kaya ang plano nito ngayon?

"Oo, wala naman akong ginagawa at gagawin"

"Great!! Then see you at the mall mamaya... lets have a barkada bonding again"

Si Shane talaga, padalos-dalos,  basta't makaisip siya ng gagawin, gusto mangyari agad.

Oh well, wala naman akong gagawin eh, and boring naman ng manatili lang sa bahay.

Teka, baka kasama niya na naman ang pinsan niya.

"Wait, so isasama mo uli yung pinsan mo?"

"Nope"

Buti naman...

"I'm bringing someone else"

"Huh? Sino?"

"It's a surprise..."

Pagkatapos niyang sabihin yun ay ibinaba na niya ang linya. Sino naman kaya ang isasama niya? Sana yung hindi na mahiyain.

My Brother is My Loverजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें