Chapter 48~ Known

117 4 0
                                    

Jenifer's POV

Ano naman kaya ang ginawa ni Jennica kay Alex? Sigurado akong umuusok ngayon ang tenga niya sa galit, dahil sa ginawa ni Shane kay Alex kagabi.

Bakit naman kasi pinipilit niya ang sarili niya sa taong hindi naman siya mahal. Ngayon ko lang narealise kung gaano kadisperada si Jennica na makakuha ng love.

Eh ang love, hindi naman kailangang hanapin. Kusa itong dumarating sa'yo. Kung patuloy mong hahanapin ang pag-ibig, hindi darating ang karapat-dapat sa'yo.

*kkkkrrrriiiiiiiiiiinnnnnngggg*

Lunch time na namin, kaya lumabas na ako ng classroom at pumunta sa classroom ni Alex.

"Hindi naman siya pumasok ngayon" sagot sa akin ng isa niyang kaklase. Ano kaya ang nangyari sa kanila ni Jennica at hindi siya pumasok ngayon?

Bakit hindi siya pumasok? May nangyari kaya?

Nilibot ko ang buong campus para mahanap siya. Baka kasi may nangyaring masama sa kanya.

Napunta ako sa isang lugar kung saan hindi naman dinadaanan ng maraming tao. Inisip ko na baka nagmumuni-muni doon si Alex.

Alam ko naman na problemado siya ngayon sa sitwasyon nila ni Shane. Hindi ko naman sila masisisi, hindi naman kasi kasalanan ang magmahal. Kaso lang, nagmahal sila sa maling pagkakataon.

Nagmukhang mali ang pagmamahalan nila dahil sa ngayon ay nagpapanggap na kuya ni Shane si Alex.

Kung wala lang sila sa sitwasyon na yun, sigurado akong masayang-masaya ngayon si Shane.

Dahan-dahan akong naglalakad sa madamong lugar na ito, baka kasi makaapak ako ng hindi ko gusto.

May nakita akong lalaking nakaupo sa malayo. Hindi ko siya masyadong nakikilala dahil nakatalikod siya sa akin.

Lumapit pa ako ng kaunti doon sa kinaroroonan ng lalaki, para makilala ko kung sino ito. Nang makalapit na ako, nakilala ko na kung kaninong likuran ito.

"Bakit hindi ka pumasok?" Tanong ko sa kanya.

"Wala lang, siguro ayaw ko lang makita nila ako at marami pang sabihin tungkol kay Letty" sagot naman ni Alex sa akin.

Tumabi ako sa kanya at sinabunutan siya, pero hindi naman malakas.

"Ano ka ba!! Sa tingin mo ba kapag lumayo ka kay Shane, mawawala na ang mga bulungan nila sa inyo? Maslalala pa nga dahil marami pa silang maigagatong sa'yo. Mas masasaktan din si Shane dahil wala ka sa tabi niya para damayan siya" paliwanag ko naman sa kanya.

"Kailangan ka ngayon ni Shane. You should be the very first person that's beside her. Ikaw ang kuya niya di ba" dagdag ko pa.

"Oo, at dahil doon sumama ang tingin sa kanya ng mga tao. Dahil sa pagconfess niya sa akin, nag-iba ang tingin sa kanya ng mga estudyante dito. I am of no good for her" sabi niya naman sa akin.

"So ibig bang sabihin nito, ay nirereject mo siya? Hindi mo man lang ba inisip na masasaktan mo si Shane? Hindi mo man lang ba inisip na hinarap ni Shane ang kahihiyan para lang mapakita sa'yo kung gaano ka niya ka—"

"Hindi ko naman sinabi yun. Ang akin lang, hindi ko gusto ang nararansan ni Letty ngayon. At lahat ng ito ay dahil sa akin" sabi niya uli. Ano ba talaga ang hindi niya maiintindihan sa pinapaliwanag ko?

"Hindi ito dahil sa'yo, dahil ito sa pinili ni Shane na maging masaya. Masaya siya kapag kasama ka, kaya ayaw niyang mahiwalay o malayo sa'yo" paliwanag ko uli sa kanya.

"Kung lalayo ka sa kanya, ano sa tingin mo ang mangyayari kay Shane? Wag mong hayaan na bumalik siya sa dati niyang buhay. Sa malungkot at walang kulay niyang buhay" dagdag ko pa.

My Brother is My LoverWhere stories live. Discover now