Chapter 22~ Hidden Truth

151 7 0
                                    

Scarlet's POV

Tapos na rin kami magsine, kaya hinawakan ko na ang kamay ni kuya at nauna na kaming lumabas.

Hindi ko alam pero medyo nainis ako sa sinabi ni Fin. Bakit naman kaya ganun ang naging reaction ko?

"Kuya, uwi na tayo" nawalan na kasi ako ng ganang maglibot.

"Bakit? Hindi ka ba nag-enjoy kanina? Ang saya kaya ng pinanood natin. Tyaka, hindi pa naman tapos ang barkada bonding natin" tanong naman sa akin ni kuya.

Eh sa wala na nga akong energy na magbarkada bonding.

"Ah basta, I wanna go home na!" Pagmamaktol ko sa kanya, at mukha namang gumana.

"Okay, okay, uuwi na tayo. Pero paano naman sina Jenifer? Iiwan na lang natin sila dito?" Tanong niya sa akin.

Eh ano naman ang problema kung iwan namin sila? Hindi naman sila bata na mawawala kapag iniwan di ba.

At tyaka mas concern pa talaga siya kay ate Jenifer kaysa sa kalagayan ko!!

Angel:
Scarlet, concern siya kay Jenifer dahil kaibigan niya rin ito at—

Tumahimik ka hindi kita tinatanong!!!!

Angel:
Nagpapaliwanag lang naman eh.

Shut up!!!!

Angel:
Eh di...Shing!

"Okay lang yun sa kanila, I'm sure maiintindihan naman nila tayo. So come on, let's go" sabi ko sabay kuha ng kamay niya at akmang aalis na sana.

"Oh Shane, saan kayo pupunta? Doon tayo oh..." narinig ko namang tawag sa akin ni ate Jenifer.

Hindi ko alam kung bakit, pero nakaramadam ako pag-init ng dugo nung marinig ko ang boses niya.

Ano ba ang nangyayari sa akin ngayon?! I've never felt this way towards ate Jenifer before.

"Ah, k-kasi guys..." pagsisimula naman ni kuyang magpaliwanag, pero parang hindi niya alam ang sasabihin.

"I don't feel so good, sorry pero kailangan na naming umalis. Gusto ko na kasing magpahinga. Let's continue our barkada bonding next time" sabi ko naman sa kanila.

Hindi ko inaasahan na masasabi ko yun sa kanila in a cold way. Para tuloy akong galit magsalita. Ano ba ang problema kong ito?

"It looks like you're not in a good mood. Hindi mo siguro nagustuhan yung movie. Sige, magpahinga ka na... Tom, a word please" nagulat naman ako sa huling sinabi ni ate Jenifer.

Bakit niya naman kakausapin si kuya? Ano naman ang pag-uusapan nila?

Sumunod naman sa kanya si kuya, pumunta sila sa isang corner na medyo malayo sa amin.

Ha! Talagang kailangan doon pa! Hindi ba nila yun pwedeng pag-usapan sa harap ko?!

"Uh, Shane galit ka ba sa akin?"

Bakit naman kailangan pa nilang lumayo? Ganun ba talaga kaimportante ang pag-uusapan nila, na dapat walang makaalam?!

"Shane, wag ka nang magalit oh... please"

At bakit ang tagal pa nilang mag-usap? Wala na ba silang planong tapusin ang pinag-uusapan na yan?

"Shane, Shane? Shane.... Shane!"

"Ano?!" Nagulat naman ako sa pagsigaw ni Fin kaya nasigawan ko rin siya.

"Uh, sorry... Ano uli yung sinasabi mo?" Tanong ko uli sa kanya, hindi ko kasi nahalata na kanina pa pala siya nagsasalita pero hindi ko naman pala pinakikinggan.

My Brother is My LoverWhere stories live. Discover now