Chapter 38~ The Rivalry Begins

97 4 0
                                    

Alex/Tom's POV

Uwian na namin at hinihintay ko si Letty na lumabas ng classroom nila.

Nagsilabasan na sila, pero may biglang nagpainit ng mga mata ko.

Nakita ko na magkasama si Letty at Fin. Masaya silang dalawa pero nung makita ako ni Letty, nagbago yung mukha niya.

"Oh bro, kanina ka pa ba dyan?" Tanong sa akin ni Fin pero wala sa kanya ang atensyon ko.

Nakatingin lang ako kay Letty na nakayuko.

"Let's go home..." sabi ko sa kanya saka hinawakan ang kamay niya. Papaalis na sana kami ni Letty nang harangin kami ni Jenifer.

"Thomas, di ba sabi ko sa'yo magpapasama ako ngayon bumili ng regalo para kay Alexander" sabi niya sa akin.

Nakalimutan kong pupunta pala kami ngayon ni Jenifer sa hideout. Naramdaman kong dahan-dahang inalis ni Letty ang kamay niya sa pagkakahawak ko.

"Sige na kuya, kaya ko naman mag-isa. Kasama ko naman si Fin palabas ng gate" sabi niya sa akin habang nakayuko pa rin.

"Don't worry bro, ako na ang bahala kay Shane" sabi naman ni Fin sa akin saka sabay na sila ni Letty na umalis.

Hindi ko mapigilan na maikuyom ang mga kamay ko. Hindi ko alam kung ano ang dahilan ko, pero ang bigat ng pakiramdam ko. Parang kumukulo ang dugo ko.

"Hoy! Nakikinig ka ba? Ang sabi ko tara na" natauhan naman ako nang marinig ko ang boses ni Jenifer.

Kanina pa pala niya ako kinakausap pero hindi ko naririnig.

Sumama na ako kay Jenifer at nakita ko na kanina pa pala naghihintay sa amin si Richard para ihatid kami sa hideout.

Scarlet's POV

Nababaliw ka na ba Scarlet?! Bakit ganun ang inaasal mo sa kuya mo?

Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa sarili ko ngayon. I feel uneasy kapag nandyan si kuya. Parang gusto ko lang siyang takasan.

Nagsimula ito nung nagpakita sa amin si Jennica. At nung nalaman ko na may ginawa si kuya para sa kanya.

Alam ko na parte yun ng pagiging gentleman ni kuya. Alam ko naman na ganung klaseng tao si kuya, pero bakit ganito? Bakit parang nasasaktan ako?

Pakiramdam ko ang selfish-selfish ko, kasi parang gusto ko, ako lang ang pinagtutuuna ni kuya ng atensyon.

Nagseselos ba ako?! Hindi naman siguro di ba? Pero kung ganun nga, okay lang naman yun kasi kapatid niya ako di ba. Pero kapag iniisip ko, parang hindi naman ganun yung nararamdaman ko.

Maybe it's better to keep my distance from now on. I mean hindi na kasi kami mga bata na tulad nung dati.

Pero bakit parang ang hirap tanggapin ang ganung klaseng bagay? Oo ganun yung iniisip ko, pero bakit parang ang hirap tanggapin ng puso ko?

Ang hirap dedmahin ang ginagawa ni kuya para sa akin. Pero ito lang ang paraan para mapigilan ko ang sarili ko, sa mga nararamdaman kong ito. Hindi ito tama.

"Okay ka lang Shane?" Narinig kong tanong sa akin ni Fin. Nakalimutan ko na kasama ko pala siya.

"Uh, okay lang... may iniisip lang" sabi ko sa kanya.

"Ano naman yun?" Tanong niya ulit sa akin

"Yu-yung assignment natin sa math, hindi ko alam kung paano sagutan" palusot ko naman sa kanya.

Nakarating na kami sa gate at nakita ko na yung sasakyan namin.

"Nandyan na yung sundo ko, sige mauna na ako sa'yo, Fin. Bye-bye" sabi ko sa kanya, saka dumiretso na sa loob.

My Brother is My LoverWhere stories live. Discover now