Chapter 55~ Joined

92 2 0
                                    

Finnier's POV

"Sigurado ka ba couz? Baka naman nag-iba lang ng style" tanong ko kay ate Luisa. Tinawagan niya kasi ako at sinabing lumabas na ang totoong Thomas.

Ibig sabihin ba ay peke yung Thomas na kasama namin, matagal na?

(~O~ #)!!

"Sigurado ako, teka isesend ko sa'yo ang picture niya" pagkatapos niya yun sabihin ay may nagnotificate sa cellphone ko.

Nakita ko na may sinend na picture sa akin si ate Luisa.

Hindi nga ito ang nakilala kong Thomas. Ibig sabihin siya ang totoong Thomas at yung una ay peke.

Kaya pala ganun na lang kadali sa kanila ang magkafeelings sa isa't-isa ni Shane. Hindi niya naman pala talaga ito kadugo.

"Hello, Fin? Nandyan ka pa ba?" Nakalimutan ko na kausap ko pa pala si ate Luisa.

"Oo, bakit?" Tanong ko sa kanya.

"Alam mo ba yung batang koreano na nagngangalang Chun Yeong?" Tanong niya naman sa akin.

"Yung pinasan ni Shane? Oo, bakit? Ano naman tungkol doon sa batang yun?" Tanong ko uli sa kanya. May ginawa ba yung batang yun?

"Galit siya ngayon kay Thomas dahil sa pinadakip niya ang mommy ng batang ito. Pwede natin siyang isama. Pwede natin siyang gamitin laban kay Thomas" paliwanag sa akin ni ate Luisa.

May punto nga siya doon. Dapat naming makuha si Chun Yeong. Isa siyang malakas na panlaban kay Thomas.

Malaki rin ang galit niya kay Thomas kaya dapat lang siyang sumali sa amin.

Pagkatapos naming mag-usap ni ate Luisa ay lumabas na ako ng bahay para pumunta sa future company ko.

Malapit na sana ako doon pero nakita ko na si Chun Yeong sa isang playground, malapit lang sa kumpanya.

Nakita ko na mag-isa lang siya na nakaupo sa swing. Ipinatigil ko ang kotse sa driver at pinark din niya ang sasakyan.

Bumaba na ako at pinuntahan si Chun Yeong doon sa swing. Nakita ko na malumbay ang mukha niya.

So totoo nga ang sinabi sa akin ni ate Luisa. May galit nga ito kay Thomas.

"Chun Yeong, what are you doing here, alone?" Tanong ko sa kanya habang umuupo din sa katabing swing.

"It's none of your business" malumbay niya namang sabi sa akin habang umiiwas ng tingin.

"You know, I may not know what your problem is, but I know the answer" sabi ko sa kanya.

"Huh?" Mukhang hindi niya ako naintindihan.

"Let me show you" sabi ko sa kanya saka inilahad ang kamay ko.

Kinuha niya naman ito at hinawakan din ang kamay ko. Hindi pa nga nangyayari pero nakikita ko na ang pagbagsak ni Thomas. Yung totoong Thomas.

Isinakay ko si Chun Yeong sa kotse at dinala siya sa Scorpion lair. Doon ko sa kanya ipapaliwanag lahat.

Nang makarating kami doon, kita ko sa mukha niya na hindi niya maintindihan ang lugar na nakikita niya.

Bumaba na kami sa kotse at pumasok sa loob ng lair.

Habang naglalakad kami papasok, hindi mapigilan ni Chun Yeong na tingnan ang buong lugar. Medyo natakot siyang pumasok pero sinabihan ko siyang wag matakot dahil wala namang mangangain sa kanya doon.

Nakikita ko na sinusuri niya ang buong lugar. Inaalam niya siguro kung nasaan siya ngayon. Well he's about to find out. This will be his torch in burning Thomas down.

My Brother is My LoverWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu