Chapter 31~ Hired Assassin

119 5 0
                                    

Alex/Tom's POV

Nagising ako in the middle of the night hindi ko alam kung bakit pero kinakabahan ako.

Lumabas na muna ako at pumunta sa kitchen para magtimpla ng gatas at magpakalma. Dahan-dahan akong bumaba kasi madilim na ang paligid.

Habang nagtitimpla ako, may narinig akong kaluskos sa labas. Napatingin ako sa bintana. Sa tingin ko kasi parang may tao doon.

Hindi naman ako matatakutin, pero ngayon, hindi ko maintindihan kung bakit ang lakas ng kabog ng dibdib ko.

Dahan-dahan akong naglakad papunta sa bintana, para makita kung ano talaga ang mayroon doon.

Habang papalapit ako sa bintana, hindi ko na mapigilan ang mapahawak sa dibdib ko dahil sa hindi ako makahinga ng maluwag.

Nang makarating na ako sa bintana, dahan dahan kong inilabas ang mukha ko para tingnan kung sino ang nandoon.

Pero wala naman akong nakitang tao, tanging kaluskos na naman ng mga damo ang narinig ko. Dahil sa narinig kong yun, kusang gumalaw na ang mga paa ako. Kinuha ko na ang gatas ko at tumakbo na ako papunta sa kwarto ko.

Papasok na sana ako pero, nakita ko na medyo nakabukas ang pinto ng kwarto ko. Ang alam ko isinara ko ito pagkalabas ko. Baka nakalimutan ko lang.

~kinabukasan~

Umaga na, salamat naman. Nakatulog ba ako? Kung ibig sabihin ng pagtulog ay yung magdamag ka lang na nakapikit at hindi gumagalaw para hindi na abutin ng takot, oo, nakatulog naman ako.

Ginawa ko na ang mga ritual ko tuwing umaga.

Toothbrush...

Ligo...

Bihis...

Lumabas na ako ng kwarto para maghanda sa pagpasok. Nakita ko naman si Letty na nakaupo na rin sa mesa at nakasuot na ng uniform niya.

Umupo na ako sa tabi niya at nagsimula na rin magbreakfast. "Wag ka na muna ngayong pumasok. Magpahinga ka na muna kahit isang araw lang" sabi ko sa kanya.

Napatigil naman siya sa pagkain at napatingin sa akin. "Kuya, I'm fine now. Besides, kaya nga masaya akong nakalabas na ng hospital dahil makakapasok na uli ako. Tapos ngayon, dito naman ako sa bahay macoconfine" sabi niya naman sa akin.

"Kahit ngayong araw lang, kailangan mo pa kasing magpalakas" pagpupumilit ko.

"But kuya... gus—" hindi na natapos ni Letty ang sasabihin niya, dahil dumating na si Chuny.

"Good morning everyone" bati niya sa amin saka umupo na rin para mag-almusal.

"Noona, you should rest for at least a day" sabi naman ni Chuny habang kumakain pa siya.

"Seriously? Even you Chuny? Tell me, you guys planned this didn't you?" Tanong sa amin ni Letty.

Nagkatinginan naman kami ni Chuny, hindi naman kasi kami nag-usap pero parehas ang sinabi namin. Amazing!!

"We just want you, safe. And of course, we want you to be fully recovered. Kaya you need to rest, kahit ngayon lang" paliwanag ko naman sa kanya.

Wala nang ibang nagawa si Letty, kaya nanahimik na lang siya.

~at school~

Mag-isa ako ngayon papasok ng gate. Naiwan si Letty sa bahay para magpahinga.

"Thomas, hintay!" May narinig akong boses ng isang babae na tumatawag sa akin. Lumingon ako para tingnan kung sino yun, nakita ko na tumatakbo papunta sa akin si Jenifer.

"Hindi mo kasama si Shane? Akala ko nadischarge na siya sa hospital" sabi niya sa akin nung nakarating na siya.

"Pinagpapahinga ko na muna siya sa bahay" sagot ko naman sa kanya.

Maglalakad na sana kami ni Jenifer pero may narinig na naman akong tumtawag sa amin. Patay malisya lang ako kasi alam ko na si Fin lang yun.

"Hey guys!! Wait up!!" Sigaw niya sa amin. Gusto ko na sanang tumakbo pero kasama ko si Jenifer.

Nakahabol din sa amin si Fin. Pagdating na pagdating niya, palingon-lingon siya na para bang may hinahanap.

"Oh bro, hindi mo kasama si Shane?" Tanong niya sa akin. Obvious ba? Hindi niya nakikita, eh di hindi ko kasama.

"Pinagpapahinga ko na muna siya sa bahay" paliwanag ko naman sa kanya. Kahit wala ako sa mood, ay nginitian ko siya.

Dumiretso na kami papasok. Nang makarating na ako sa classroom namin, sakto naman na dumating na rin si sir.

Umupo na ako sa upuan ko at hinanap ko agad ang earpiece ko. Nakalimutan ko kasing isuot yun kanina sa bahay.

⊙▂⊙

Bakit wala dito? Dito ko lang naman sa bag inilalagay ang earpiece ko. Wala naman akong naaalala na inilabas ko yun sa bag ko.

"Is everything alright mr. Ramires?" Tanong sa akin ni sir. Hindi na pala ako nakikinig sa lesson niya.

"Yes sir" sagot ko naman sa kanya.

Hindi tuloy ako nito makakaconnect kay Thomas. Patay, papano kung may mangyari? Wag naman sana.

Hinayaan ko na lang muna na wala akong earpiece ngayon, hindi naman siguro masama kung hindi ko yun gamitin ng isang araw.

Nakinig na lang ako sa lesson ni sir.

Uwian na namin, hindi ko kasabay papalabas si Jenifer kasi may meeting pa sila ng mga SSG officers.

Pumunta na ako sa parking area, nakita ko na yung kotse at yung driver. Wow, susyal ngayon ang driver ah. Talagang naka shades pa siya.

Sumakay na ako at pinaandar na niya ang kotse. Bakit parang kinakabahan na naman ako? Ano ba yan Alexander, napapadalas na ang pagiging nerbyoso mo. Hindi ka naman umiinom ng kape.

Pagkalabas namin sa campus, bumilis ng kaunti ang takbo ng kotse. Bumilis din tuloy ang kabog ng dibdib ko.

"Dahan-dahan naman po sa pagmamaneho" sabi ko sa kanya.

Hindi naman siya kumibo. Parang iba na ang pakiramdam ko sa driver na ito. Tinitigan ko siya ng mabuti, teka hindi ito ang driver namin. Sino ang taong ito?!

Dahil sa kabog ng dibdib ko, kusang gumalaw ang mga kamay ko at hinawakan ang manibela. Nagpazigzag-zigzag ang kotse sa daan.
Nag-aagawan kasi kami ng manibela. Makakabangga sana kami sa isang truck, buti na lang at naiwasan ko yun.

Napayuko ang driver, natakot siguro. Nakita ko sa batok niya na may tattoo siyang scorpion. Isa ito sa mga lalaking nagpahamak kay Letty.

Hindi ko nakita na sisikuhin na pala niya ako. Malakas yung pagkakatama niya sa akin. Napaupo uli ako sa back seat saka unti-unti nang nanlabo ang paningin ko.

Nagising ako sa isang madamong lugar, hindi na ako masyadong nakakakita, dahil medyo madilim na.

Nakita ko sa hindi kalayuan ay nakapark yung sasakyan namin. May narinig akong kaluskos ng mga damo sa likuran ko.

Gusto kong lumingon pero hindi ko magawa. Medyo nahihilo pa kasi ako at wala akong lakas.

Tumigil ang kaluskos sa unahan ko, nakikita ko na yung tao pero hindi malinaw sa akin ang mukha niya. Blurred pa kasi ang paningin ko at madilim na rin kaya hindi ko masyadong nakikita.

Pero kahit hindi ko makita ang mukha ng lalaking ito, alam ko na siya yung driver ko kanina, dahil sa suot niya.

May inilabas siyang dagger. Papatayin na ba ako ng lalaking ito? Ito na ba ang katapusan ko?

"This is nothing personal, it's just plain business"




[Edited]

My Brother is My LoverWhere stories live. Discover now