Chapter 42~ The Grand Ball

117 5 0
                                    

Scarlet's POV

Nagdaan ang one week ng hindi ko pinapansin si kuya. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Hindi naman ako galit sa kanya pero kapag nakikita ko siya, umiiwas ako.

Kahit sabihin ko sa sarili ko na lapitan siya at kausapin, hindi ko nagagawa.

Pauwi na ako galing sa mall, bukas na kasi ang Grand Ball namin. Nagshopping kami kanina ni ate Jenifer para sa isusuot na damit sa ball. Hindi namin kasama sina kuya at Fin. Sabi kasi ni ate Jenifer, girl time daw ito.

~flash back~

"Ito Shane, sigurado ako bagay yan sa'yo" pinakita sa akin ni ate Jenifer ang isang pink cocktail dress na turtleneck with heart shaped beads na nagcocover sa top at naka spread din ng kaunti sa skirt.

Sinukat ko ang dress... ~fast forward~

Tapos na kaming makapagshopping ni ate Jenifer at pauwi na kami. Pero bago kami lumabas ng mall, dumaan muna kami sa fast food chain para kumain.

Kakapagod kayang maglibot dito sa mall. Kumain na kami ng inorder ni ate Jenifer.

"Hindi mo pa rin ba pinapansin ang kuya mo?" Out of the blue, bigla naman yun tinanong sa akin ni ate Jenifer.

Hindi ako sumagot sa kanya, hindi ko naman kasi alam kung ano ang sasabihin ko. Ni ako nga hindi alam kung ano talaga ang nangyayari sa sarili ko.

"You know na mas matagal mo akong nakasama kaysa sa kanya. So you can tell me anything. You trust me right?" Sabi uli ni ate Jenifer.

"Eh kasi.... ate Jenifer.... kasi....."

"Come on, trust me. This talk will only be between you and me" sabi niya uli.

"Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Alam kong hindi dapat ako naapektohan ng ganito dahil sa kanya, pero sa tuwing nakikita ko sila ni Jennica nasasaktan ako. Nagagalit na ako sa sarili ko kasi kahit anong sabihin ko, hindi ako pinakikinggan ng puso ko. Kaya ako umiiwas kasi, alam kong hindi pwede" dire-diretso kong sabi sa kanya.

"Well, tama ka nga naman diyan. Pero Shane, kung gusto mong maliwanagan yang nararamdaman mo, kausapin mo siya. Sabihin mo sa kanya kung ano ang pinagdadaanan mo. Avoiding him is just a way to cover up the problem, but it doesn't solve anything" mahabang litaniya sa akin ni ate Jenifer.

~end of flash back~

Sabi ni ate Jenifer, kailangan ko daw kausapin si kuya, para maliwanagan na raw itong nararamdaman ko.

It won't hurt if I try it, right. Sasabihin ko na kay kuya ang nararamdaman ko, and who knows, baka doon pa gumaan itong mabigat sa puso ko.

Habang nasa biyahe ay iniisip ko na kung ano ang sasabihin ko kay kuya. Hindi ko alam na tinitignan na pala ako ng driver ko, kasi nagsasalita ako ng mag-isa. Akala siguro nito, nababaliw na ako.

Nakarating na rin ako sa bahay. Mga 10:00 in the evening na ako nakarating. Ang tagal kasi namin ni ate Jenifer makahanap ng damit. Traffic pa sa dinaanan ko pauwi, kaya natagalan pa kami.

Si manang ang nagbukas ng pinto para sa akin. Siya na lang kasi ang gising kakahintay sa akin. Hindi kasi yan natutulog si manang hangga't hindi pa ako nakikitang nakahiga sa higaan ko.

"Natagalan ka yata ihja" sabi niya sa akin.

"Traffic po kasi manang" paliwanag ko naman sa kanya saka umakyat na papuntang kwarto ko.

Pagkapasok ko sa loob ng kwarto, nagmadali naman akong nagbihis at inilabas ko na ang damit na gagamitin ko sa ball. Nilagay ko ito sa hanger at itinago sa closet.

My Brother is My LoverWhere stories live. Discover now