Chapter 23~ Naughty Me

158 4 0
                                    

Alex/Tom's POV

Papasok na kami ngayon ni Letty sa school. May pasok na kasi kami ngayon.

Ang saya ko kahapon, I got to have a quality time with Letty, alone. Syempre, sibling bonding yun.

"Shane! Tom! Sabay na tayo papasok" sabi sa amin ni Jenifer nang makita namin siya na hinihintay kami sa gate.

"Ate Jenifer, nauna ka na lang sana" sabi naman ni Letty.

"Huh, bakit naman? Palagi naman talaga akong naghihitay sa inyo di ba" sagot naman ni Jenifer sa sinabi ni Letty.

"Uh... kasi, sa tingin ko burden para sa'yo ang hintayin pa kami, pwede namang mauna ka na. No need to wait for us" paliwanag naman ni Letty.

Bakit naman ganito ang inaasal ni Letty ngayon? Palagi naman kaming magkakasabay na pumasok sa gate, ah.

"Hihi... but I insist... magkakaibigan tayo dito, no" sabi naman ni Jenifer.

Napangiti na lang si Letty, pero nahalata ko na pilit lang yun.

Naglakad na kami papasok.

"Guys, wait up!" Narinig naming sigaw sa amin ni Fin. Nakahabol pa rin ang mokong.

Yun na nga, sumabay na sa amin si Fin. Nagsimula na namang maging maingay ang grupo namin.

"Hi Scarlet! Missed me?" Nagulat naman kami ng bigla na lang sumulpot sa harap namin si Jennica at ang grupo rin niya.

Nakita ko rin na may bago siyang kasama. Palagi ko nang nakikita ang lalaking yan dito sa campus, pero hindi ko pa siya nakikilala.

May kasama rin ang lalaking yun na dalawa pang lalaki. Feeling gwapo, eh sila lang naman ang nakakakita na gwapo sila.

"Anyway, I would like you to meet John Kevin, my cousin. Sabi niya gusto ka daw niyang makilala, isn't he charming?" Anong charming ang sinasabi ng babaeng ito, more like FEELING!!!

Feelingerong gwapo kahit hindi naman. Feelingerong charming kahit hindi naman. Napaka FEELING talaga.

Lumapit naman ang feelingerong ito kay Letty. Naku.... wag ka lang magkakamali ng galaw, matatamaan ka talaga sa akin.

"It's really nice to finally meet you in person. I feel honored by gazing upon your magestic beauty" weird naman ang pagpapakilala ng lalaking ito.

Lumapit pa siya ng kaunti kay Letty at hinawakan ang kamay niya. Akma na sanang hahalikan niya ang kamay ni Letty, pero tinapik ko ang kamay niya kaya napabitaw siya.

"Nasa 21st century tayo, wala sa pre-historic era. Ayusin mo ang pagpapakilala mo" cold ko namang sabi sa kanya, habang inilalayo ng kaunti si Letty.

Iba ang pakiramdam ko sa lalaking ito. Parang hindi siya mapagkakatiwalaan.

Mukha namang nainis yung unggoy kaya, lumayu din ng kaunti.

Si Jennica naman pumunta sa tabi ni Fin, at tila ba nagpapapansin sa kanya. Magpinsan talaga ang dalawang ito.

"By the way, this are John Micheal and John Jackson. We are the J Trio" pagpapakilala niya sa grupo niya.

Ah, so sila pala yun. Sikat ang grupong yun dito sa school, pero hindi ko alam na ito pala ang mga lalaking yun. Papaano naman kaya sumikat ang mga lalaking ito? Dahil ba sa mga kapreskohan nila?

"Anyway, baka wala kayong gagawin mamaya. Come join us, jaming naman tayo" sabi sa amin ni Jennica, pero nakatingin lang siya kay Fin.

May gusto ba ang babaeng ito kay Fin? Napaka flirty naman nito, hindi ba naman magpakipot man lang.

My Brother is My LoverKde žijí příběhy. Začni objevovat