Chapter 18~ Anxious

174 7 0
                                    

Sebastian's POV

"Uncle, pinapapunta po tayo ni Thomas sa kumpanya. Gusto daw po kasi niyang malaman kung ano na ang nangyayari doon"

Maaga akong ginising ni Alexander para sabihan tungkol sa pinapagawa sa namin ngayon ni Thomas.

Ang bata talagang yun, hindi na mapakali. Pero mas maganda na yun, dahil nagkakaroon na siya ng interes at pukos sa pamamalakad ng kumpanya.

Ang inaalala ko ngayon ay si Alexander. Ipapakita na niya ang mukha niya sa kumpanya.

Ibig sabihin, ay mabibisto na ng mang-aagaw ng kumpanya ang mukha niya, bilang Thomas Jacob Ramires.

Maaaring malagay na talaga sa panganib ang buhay niya.

Sa tingin ko nasa sa akin na lang talaga nakasalalay ang kaligtasan ni Alexander.

Naghanda na ako para sa pag-alis namin.

Alex/Tom's POV

*rriiiinngg rriiinngg rriiinnngg*

Ang aga-aga naman ng tawag na yan, wala naman kaming pasok ngayon eh. Hindi ba ako pwedeng magpahinga?

"Hmmm..... hello?" Pagsagot ko sa tawag kahit pikit pa ang mga mata ko.

"Hello pare, tulog ka pa ba?" Si Thomas pala ang tumawag, at nagtanong pa talaga.

"Bakit pare?"

"Can I ask you a favor? Hindi kasi ako mapakali sa kung ano na ang nangyayari sa kumpanya. Pwede mo bang tignan kung ano na ang nangyayari doon" sabi ni Thomas.

Nababaliw na ba siya? Gusto niya na ba akong mamatay?

Paano na lamang kung nandun yung gustong umangkin ng kumpanya. Makikita nila ako at baka puntiryahin pa nila ako.

Ayaw ko pang mamatay ng maaga, marami pa akong pangarap sa buhay.

"Thomas pare, gusto mo na ba akong mamatay?"

Ano ba naman kasi ang gusto niyang mangyari? Hay, wala ka namang magagawa Alexander eh. Maging sunod-sunuran ka na lang sa kanya.

"Hindi naman sa ganun pare, hindi lang talaga ako mapakali. Kung kaya ko lang talaga pumasok doon ng hindi nakikilala ginawa ko na, pero alam mo naman na hindi pwede. Kaya nga ikaw na lang, please" pagmamakaawa niya.

"Hindi ako sigurado sa gagawing ito pare. Pero sige na nga, wala naman akong magagawa" pagsasang-ayon ko na lang sa kanya.

"Thanks pare, salamat talaga" then naputol na yung linya.

Hay Alexander, ikaw na talaga ang bestfriend of the year.

Nag-ayos na ako at sinabihan si uncle kung ano ang gagawin namin ngayon.

"Kuya, shopping tayo. Kasama sila ate Jenifer at Fin"

Sinalubong ako ni Letty nang pabalik na ako sa kwarto ko.

"Uh.... may gagawin kasi kami ni uncle. Teka, shopping? Kasama si Finnier?"

Bakit naman kasama pa ang lalaking yun?

"Oo, barkada bonding na rin kasi. By the way, ano naman ang gagawin niyo ni manong?" Hmmm.... change topic pa itong si Letty.

"Pupunta kami ngayon sa opisina. Gusto ni—ako na makita kung ano na ang nangyayari doon" paliwanag ko sa kanya.

"Hmmm.... okay, ingat na lang kayo"- Letty

"Teka, kayo lang? Wala na kayong ibang kasama?"- ako

My Brother is My LoverWhere stories live. Discover now