Chapter 29~ Clue #1

124 5 0
                                    

Alex/Tom POV

Pumasok ako ngayon, si manang naman kasi ngayon ang magbabantay kay Letty.

Ayaw ko sanang pumasok ngayon kasi gusto ko lang na makasama si Letty, pero marami pa kasi kaming gagawin kaya kailangan ko pang pumasok.

"Bro.... kamusta na si Shane? Okay na ba siya? Sorry pala, hindi ako nakabisita sa kanya, kasi kailangan ako sa mga family matters namin. Mamaya bibisita ako sa kanya" sinalubong ako ni Fin sa gate.

"Okay na siya, wag ka nang masyadong mag-alala" tipid ko namang sagot sa kanya. Nakakairita kasi siya.

"Kanina pa ba kayo diyan? Hindi niyo naman ako kailangang hintayin eh, kaya ko nang mag-isa" sabi ni Jenifer na bigla na lang na sumulpot sa likuran namin.

"Bakit? Sino ka naman para hintayin namin?" Pagbibiro naman sa kanya ni Fin.

Natawa naman ako ng kaunti, para naman makasabay ako sa trip ng mokong na ito.

Papunta na kami ngayon sa mga classrooms namin.

Hindi pa man kami nakakalayo sa gate, ay hinarang na kami ng grupo nila Jennica. Ano naman kaya ngayon ang gusto nilang mangyari?

Lumapit sa amin si Jennica. Masama ang tingin niya sa amin ni Jenifer pero nagbago ang expression niya nang tingnan niya si Fin.

"Hi, sabay na tayo" sabi niya naman habang nakatitig pa rin kay Fin.

"Sorry, pero kasama ko kasi ang mga kaibigan ko" sabi naman ni Fin habang inilalayo ang tingin kay Jennica.

"Oh come on, your friends won't mind naman kung sa akin ka sasabay" then tumingin sa amin ni Jennica at pinanlisikan kami ng mata. "Right....?"

"Uh.... okay lang sa akin" sagot ko naman. Wala naman kasi akong pakialam.

"Sige na Fin, sumabay ka na sa kanya. Looks like she needs company right now" sabi naman ni Jenifer na sa tingin ko ay may halong sarcasm ang pananalita.

"Uhh.... sige" sabi naman ni Fin saka sumama na kila Jennica.

"Oh and Thomas, nabalitaan ko pala ang nangyari sa kapatid mo. I heard nasa hospital daw siya ngayon. Awww... tell her na magpagaling na, huh... sabihin mo rin na miss na miss ko na siya" sarkastikong sabi naman ni Jennica habang papaalis na sila.

Kung hindi lang talaga ako nag-iisip ng tama, paghihinalaan ko na si Jennica na siya ang may pakana ng pagkakaospital ni Letty.

"So ano na ang plano ngayon Al-Tom?" Tanong sa akin ni Jenifer. Muntikan niya pang masabi ang pangalan ko sa matao. Buti na lang at hindi niya natuloy.

"We stick to the plan. Hintayin muna natin kung may hakbang nang gagawin mula kay T" paliwanag ko kay Jenifer ng palihim lang.

'T' ang code name namin kay Thomas, para kapag pinag-uusapan namin siya, hindi masyadong halata.

Alam na ni Jenifer ang tungkol sa ginawa naming pag-iimbistiga sa mall. Hindi rin siya makapaniwala sa nalaman niya.

Hindi niya kasi alam kung sino ang pwedeng gumawa kay Letty ng ganito.

Nakarating na kami ni Jenifer sa kanya-kanya naming classroom. Then our classes began.

~During class~

Habang nakikinig ako sa teacher namin sa unahan, nagulat naman ako nang bigla na lang nagsalita sa earpiece ko si Thomas.

"Is there something wrong mr. Ramires?" Tanong sa akin ng guro. Bigla kasi akong napagalaw sa upuan ko na parang may nanggulat sa akin.

My Brother is My LoverWhere stories live. Discover now