Chapter 56~ Forgiven

101 2 0
                                    

Scarlet's POV

Maaga ako ngayong gumising. Actually, paputol-putol ngayon ang tulog ko. Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi.

Ewan ko lang kung bakit ganun ako kagabi. Nanibago lang siguro ako dahil may ibang tao dito sa bahay, o baka dahil sa mga nalaman ko.

Malumbay akong bumangon sa higaan at ginawa ang mga morning routine ko.

Lumabas na ako sa kwarto at ikinagulat nung makita ko ang isang trail ng mga sticky papers na may sulat.

Isa-isa ko yun kinuha at sinundan kung hanggang saan yun makapunta.

Halos lahat ng nakasulat doon ay tungkol sa pagsosorry. Sa tingin ko kilala ko na kung sino ang gumawa nito.

Nagpatuloy ako sa pagsunod sa mga papel at nakarating ako sa dinning area namin.

Doon, nakita ko na may nakahain sa mesa na iba't-ibang  klaseng pastries.

Pero ang nakakuha ng atensyon ko ay yung choco cupcake with flower shaped fundant icing na nakapalibot sa isang round choco cake na may nakasulat na I'm so Sorry... on top.

"I'm sorry little princess" narinig kong may nagsalita sa likuran ko.

I turned para harapin kung sino man ang taong yun and as expected, si kuya nga ang may gawa ng lahat ng ito.

Undeniably great talaga ang skills niya sa baking pero hindi ibig sabihin nun ay pinapatawad ko na siya.

Pagkatapos ng lahat ng ginawa niya, sa simpleng cupcake at cake lang ako idadaan?

Umupo na ako sa upuan  at kumuha ng kapiraso ng cake, ng hindi man lang pinapansin si kuya.

Tinikman ko ang gawa niya at....

(=◎ω◎=)

Ang sarap!! Overflowing ang chocolate icing, which is my favorite flavor. Perfect match sa soft foamy cake.

Pagkatapos ng isang subo ay naging magkakasunod nang subo. Hindi ko mapigilan ang mapasubo kahit may laman pa ang bibig ko.

"So how was it?" Tanong niya sa akin. Nakalimutan ko na nasa harapan ko pala siya at kanina pa ako tinititigan.

"It's okay" sabi ko naman sa kanya habang nakatingin lang sa kinakain ko.

"OKAY?? eh nakakatatlong ulit ka na, okay lang? I think its great!" Sagot niya naman sa akin.

"Okay, great na kung great, pero it won't change the fact na galit pa rin ako sa'yo. Kaya yung apology accepted mo, hindi mo pa makukuha!" Sigaw ko sa kanya saka tumayo na para bumalik sa kwarto ko.

Aalis na sana ako pero narinig kong nagsalita si kuya.

"Sino ba ang nagsabing ito lang ang apology ko?" Sabi niya. I turned to face him.

Sasagutin ko pa sana siya pero nauna na siyang magwalk out. AKO DAPAT YUNG UNANG NAGWALK OUT EH!!! Agaw eksena ka KUYA!!!! Grrrrrr!!!!

(≧△≦)!!

Nagkulong uli ako sa kwarto ko pagkatapos nun. Kainis naman si kuya. Inagawan pa ako ng eksena. Bakit? Siya ba yung galit? Bakit siya yung naunang nagwalk out?!

Maya-maya pa ay nabored na ako sa loob. Ayaw ko naman talagang nagkukulong sa loob ng isang kwarto. Masikip sa pakiramdam kaya ang makulong sa kwarto.

Kaya lumabas ako at pumunta sa arcade room. Maglalaro na lang ako ng mga larong pwedeng laruin doon.

Ooops, ang dami ko nang sinabing laro. Hay, ganyan talaga ang taong bored.

Pagdating ko doon, narinig kong may naglalaro na pala sa loob. Sino naman kaya yun?

My Brother is My LoverWhere stories live. Discover now