Chapter 10~ Moving On

245 12 0
                                    

~One week later~

Scarlet's POV

One week na ang nakalipas ng ilibing sila mommy at daddy.

One week na rin kaming hindi pa pumapasok, nagpahinga kasi kami ni kuya.

*knock knock knock*

Gumising ako ngayon ng maaga para ipaghanda si kuya ng special breakfast.

Special day niya kasi ngayon. Dala-dala ko na ngayon ang breakfast niya, isusurprise ko siya ng isang breakfast in bed.

Kaso hindi pa niya binubuksan ang pinto, tulog pa kaya siya?

Bumukas na ang pinto, nakita ko naman na lumabas na si kuya, ang gulo pa ng buhok niya, halatang galing pa lang talaga siya sa higaan.

"Surprise!!!!!!! Happy aniversary kuya!!"

Halatang nagulat siya ng sinabi ko yun, nakakatawa ang mukha niya.

Hindi ko maidiscribe ang mukha ni kuya, magkahalong puyat at gulat kasi.

"Le-l-letty, wh-what brings you h-here?"

Makakalimutin na talaga si kuya, oh well siguro hindi niya lang talaga naisip yun.

"It's your leave aniversary. This is the day that you went away. Ngayon saktong 11 years ka na sanang hindi umuwi dito. And also this is to celebrate your come back" paliwanag ko sa kanya.

Isasara niya pa sana ang pinto, pero pinilit ko pa ring makapasok, and I did.

"Kuya naman, no need na para mahiya pa sa akin. Kahit naman na may morning breath ka pa ay wala naman akong pakealam" sabi ko sa kanya.

Nahalata ko siyang hindi mapakali, at bakit naman? May tinatago ba siya dito?

"Uhh..... hi-hindi pa kasi ako nakakapag-ayos" sabi niya naman.

Asus, si kuya talaga parang other people naman kami nito.

Hinila ko siya papasok sa bathroom niya.

"Yan, mag hilamos ka na muna at mag toothbrush, tapos saka ka na lang uli lumabas kapag ready ka na" sabi ko sa kanya.

Ano ba naman 'to si kuya, parang hindi pa nasanay.

Nung bata pa nga lang kami nun, ganito rin ang ginagawa ko kapag maaga akong nagigising.

Umupo na muna ako sa kama ni kuya habang naghihintay sa kanya.

Ang tagal niya naman, naligo na ba siya sa loob?

*knock knock knock*

"Kuya, kung tapos ka na lumabas ka na. Lumalamig na kasi yung pagkain, sayang naman nito, ako pa naman ang naghanda" sabi ko sa kanya ng lumapit ako sa pinto para katokin siya.

"Ah..... nandyan na...." sabi niya naman saka lumabas na nga ng banyo.

Tagal nun ah, nagbawas pa ba siya?

Alex/Tom's POV

~Sa loob ng bathroom~

Patay, anong gagawin ko? Hindi ko suot ngayon ang earpiece at hindi ko yun makukuha dahil nasa kwarto ko ngayon si Letty.

Sana hindi ako nito mabisto, sana magkaroon ng himala at mapunta dito sa cr ang earpiece ko. ╯▂╰

*knock knock knock*

"Kuya kung tapos ka na lumabas ka na. Lumalamig na kasi yung pagkain, sayang naman nito, ako pa naman ang naghanda" sabi naman ni Letty.

Lagot baka magtampo pa yun, kaya wala akong nagawa kundi ang lumabas.

My Brother is My LoverWhere stories live. Discover now