Chapter 6~ The Plan

303 9 0
                                    

3rd Person's POV

"Tom.... ihjo.... gising na, may pasok pa kayo" paggigising ni Sebastian kay Thomas.

Malumbay na bumangon si Thomas sa higaan niya.

Naghilamos na siya at nag-ayos ng kaunti pero halata paring galing pa lang siya sa tulog.

Lumabas na siya para mag almusal.

Nakita niya agad si Alexander, parang at home na at home siya.

Si Alexander ang naghanda ng sarili niyang agahan, hindi kasi siya sanay na pinagsisilbihan.

"Tom, gising ka na pala. Sorry kung hindi na kita hinintay, nasanay kasi akong palaging maagang nagigising at naghahanda ng sarili kong breakfast" paliwanag niya.

"Okay lang, sige na kumain ka na" sabi naman ni Thomas.

Umupo na si Thomas sa harap ni Alexander.

Habang kumakain sila, hindi maiwasan ni Sebastian na tumitig sa dalawang binata.

Nahalata naman ni Thomas at Alexander yun kaya sabay silang tumingin kay Baste.

"Bakit po?" sabay uli nilang sabi.

"Ah wala, ngayon ko lang kasi nahalata na magkahawig pala kayo. May pagakakapareho ang mukha niyo" sabi ni Baste nang hindi pa rin inaalis ang tingin sa dalawang binata.

Nagtinginan naman ang dalawa, nagkatitigan sila at parang hindi naniniwala sa sinasabi ng matanda.

Natapos na silang kumain pero kaninang kumakain pa sila, hindi nawawala ang pasulyap-sulyap nila sa isa't-isa.

"Hali ka nga" hinila ni Thomas si Alexander papunta sa isang malaking salamin.

"Anong ginagawa natin dito?" tanong naman ni Alexander.

"Iangat mo nga ang buhok mo" sabi ni Thomas.

Si Alexander naman, kahit hindi naiintindihan kung anong ibig sabihin ng kaibigan ay ginawa pa rin ang pinapagawa sa kanya.

Tumingin sila sa salamin, at laking gulat nila.

Magkahawig nga sila, hindi nila yun nahalata nung una dahil mas mahaba nang kaunti ang buhok ni Alexander kaysa kay Thomas.

Hindi naman sila talagang magkamukha, may pagkakapareho lang talaga ang ibang perte ng mukha nila, magkasing tangkad din silang dalawa.

"Seryoso ba 'to?" sabi ni Alexander na hindi makapaniwala.

"Matagal na tayong magkaibigan pero ngayon ko lang nakita na magkahawig pala tayo pare" dagdag pa niya.

Wala namang imik si Thomas na tila ba may iniisip.

"Hali ka na pare, malalate na tayo" pagyaya naman ni Thomas kay Alexander.

Scarlet's POV

Gumising na ako nang maaga, nag-ayos at bumaba para kumain.

Habang pababa ako ng hagdan, naalala ko na wala na pala sila mommy.

Pakiramdam ko, parang gusto ng katawan kong bumalik na lang uli sa kwarto at wag na lang lumabas.

Pero may bigla na lang akong narinig na boses sa likuran ko, boses ni dad.

Hindi ko alam kung siya nga, oh isip ko lang ang may gawa nun pero ang sabi niya ay......

"You are Scarlet Shane Ramires, you are stronger than you think you are, there is more in you. Be strong my little princess"

Nanghina ang mga tuhod ko, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.

My Brother is My LoverDonde viven las historias. Descúbrelo ahora