Chapter 26~ Brother-Sister Time

177 4 0
                                    

Scarlet's POV

Nakauwi na kami ni kuya galing sa mall. Nag-enjoy akong kasama si Alex, at ang sweet pa nilang tingnan ni Ate Jenifer.

Kahit paminsan nakikita kong naiilang na sa kanya si ate Jenifer dahil sa masyado na siyang close, pero nakakakilig pa rin.

They look so cute together.

"Magpahinga ka na Letty, I'm sure napagod ka kasama ang kuya mo" sabi sa akin ni kuya.

(●_●) ???

"Anong ibig mong sabihin kuya?" Tanong ko sa kanya. Hindi ko kasi naintindihan yung sinabi niya.

"Huh?"- kuya

"Yung sinabi mo kanina..."- me

"Alin?"- kuya

"Yung magpahinga na ako..."- me

"Ano doon?"- kuya

"Sabihin mo uli..."- me

"Magpahinga ka na..."- kuya

"Hindi yan... yung isa mo pang sinabi"- me

"Ano naman dun? Alam mo, pagod lang yan. Magpahinga ka na Letty. May pasok pa tayo bukas di ba"- kuya.

"Pero..."- me

"Sige na, magpahinga ka na"- kuya

Wala akong nagawa kaya umakyat na lang ako sa kwarto ko para magpahinga.

Si kuya kasi, ang bilis niya namang makalimot sa sinabi niya.

Alex/Tom's POV

Phew..... muntikan na ako dun.

Ang bibig kasing ito, hindi man lang nagiisip muna bago magsalita.

Sana naman hindi ako paghinalaan ni Letty, sa sinabi kong yun.

Nagkamali kasi yung pagkasabi ko kanina ng magpahinga na siya. Kaya ginawa ko, patay malisya na lang ako, hindi naman siguro niya yun nahalata... sana...

Pumunta na ako sa kwarto ko para magpalit ng damit.

~after 5 min~

Papalabas na sana ako nang marinig kong may malakas na pagkatok sa pinto ko. Galit ata ang taong ito, ano naman kaya ang problema niya?

Binuksan ko na yung pinto at nakita ko si uncle, hingal na hingal. Bigla naman akong kinabahan sa expression na nakita ko sa kanya.

"Uncle, anong problema?" Tanong ko sa kanya. Hindi siya agad nakasagot kasi hinahabol pa niya ang hininga niya.

"Ang.... *inhale... exhale...* si... si... Letty....... dalhin natin sa ospital!" Nagulat ako sa sinabi ni uncle. Anong nangyari kay Letty?

Okay pa lang siya kanina ah, well parang worn out siya kanina pero parang okay lang naman siya nun.

Hindi na ako nagsalita at kusang gumalaw ang katawan ko at napatakbo na ako papunta sa kwarto ni Letty.

Nakita ko siyang nakahiga pa rin sa sahig at walang malay. Si manang naman hindi malaman kung ano ang gagawin. Si Chuny naman niyuyugyog ang noona niya para magising.

"Chuny no!" Mabilis ko namang pinatigil si Chuny, hindi kasi dapat basta ginagalaw ang tulad ni Letty na nahimatay, baka kasi lumala pa ang kalagayan niya.

Hindi kasi natin alam kung may fracture siya o iba pang injuries, baka lumala pa kung gagalawin siya agad.

Chineck ko kung may fracture nga siya, mabuti nga at wala naman.

My Brother is My LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon