Chapter 17~ Chill

203 8 1
                                    

Jenifer's POV

Marami ako ngayong ginagawa. Malapit na kasi ang Grand Ball, marami kaming dapat asikasuhin at dapat na ipaaprove sa principal.

Seniors na kami, at gusto rin namin na maging memorable ang last Ball namin, kaya heto kami ngayon, todo effort.

I still can't believe what Shane just did yesterday. In all my years here in this school, hindi ko pa siya nakita na ganun.

Hindi ko itatanggi na nag-alala talaga ako ng husto. Ang pagkakakilala ko kasi kay Shane, ay isang mahinahon na tao.

Hindi ko akalain na may itinatago din pala siyang tigre sa kaloob-looban ng mga cute niyang pagngiti.

Natapos na rin ang pagmemeeting namin sa faculty, papunta na ako ngayon sa susunod naming subject.

Hindi na kasi ako nakasabay sa first period class, excused naman ako.

Naglesson lang kami magdamag, hanggang sa magring na ang bell at lunch time na namin.

Lumabas na ako at pumunta na sa classroom nila Shane. Kamusta kaya ang naging tulog ng babaeng yun.

"I told you.... I'm not interested. Please, just leave me alone"

Nakita ko na kausap ni Tom yung isang babae. Ito yung nakita kong aali-aligid sa kanya noon pa.

Aba't wala talagang kadala-dala ang babaeng ito. Hindi niya ba alam ang bangis na ipapakita sa kanya ni Scarlet kapag nakita silang dalawa?

"Hoy, hindi ka talaga nadadala sa pakiusap ano. Di ba sinabihan na kita na wag na wag mong gagalawin ang kaibigan kong 'to. Baka naman gusto mong matulad kay..... Jennica?"

Nagulat naman siya sa sinabi ko at parang naintindihan niya kung ano ang ibig kong sabihin. Pinanlisikan ko siya ng mata, kaya mabilis pa sa alas kwatro siyang nawala.

"Okay ka lang?" Pagtatanong ko naman kay Tom.

"Yup, thanks. Hindi kasi ako nun tinitigilan, baka magalit sa akin si tigress..." sabi niya. Sinong tigress?

"Huh? Tigress? Sino yun?" Tanong ko, bigla naman siyang nagulat na parang pinagsisihan na sinabi yun.

"A-ah..... s-si Letty pala... hihi... tawagan lang kasi namin yun" sabi niya naman habang nakahawak sa batok niya.

"Ahahaha.... talaga.... sa bagay.... it suits her naman. Hindi naman siya nagalit?" Pagtatanong ko, habang tumatawa ng kaunti.

"Hindi, she insisted pa nga na yun na lang ang itawag sa kanya" sabi naman ni Tom.

Nakakatuwa talaga ang samahan ng magkapatid na ito. Pero strange, ang kwento sa akin ni Shane, her brother treats her like a princess.

Kung ganun, hindi niya tatawaging tigress si Shane. Ba't parang magkaibigan lang ang turingan nila sa isa't-isa?

At sa tingin ko, kahit anong gawin ni Shane, hindi basta-basta papayag itong si Tom na masunod lang palagi ang gusto ni Shane.

Hindi ko man lubos na kilala si Tom, pero base sa mga ikwinento sa akin ni Shane, hindi dapat ganya ang mga ikinikilos niya.

"Tayo na.... nagsilabasan na sila"

Naputol naman ang iniisip ko nang tawagin na ako ni Tom.

Papunta na kami ngayon sa canteen para maglunch. And as usual, maiingay kami. Hindi nga halata na galing kami sa mga mayayamang pamilya.

Ang pasimuno ng ingay ay si Finner. Siya ang clown ng grupo at pinaninindigan niya yun.

"Ti-Letty... saan galing yang clip mo? Hindi mo yan suot kanina ah" tanong ni Tom sa kapatid niya.

My Brother is My LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon