Chapter 13~ Apology

210 12 0
                                    

Alex/Tom's POV

Uwian na kami, naghihintay pa rin ako sa classroom nina Letty. I'm hoping na sana makalimutan niya na yung ginawa ko kanina.

Nagsilabasan na sila, at nakita ko na si Letty na lumabas sa classroom nila. Lalapitan ko na sana nang bigla siyang nag-iba ng daan pagkatapos niya akong makita.

Galit pa rin talaga siya sa akin. Hindi ko naman siya masisisi, masasakit naman kasi yung mga sinabi ko sa kanya.

"You shouldn't have done that bro" sabi sa akin ni Fin nang makita niya akong nasa harapan ng classroom nila.

"Pero naiintindihan ko naman kung bakit mo yun ginawa. Wag kang mag-alala, she'll forgive you, magsorry ka lang sa ginawa mo" paliwanag pa niya.

Buti naman at naiintindihan nila ako. It really wasn't my intention na saktan si Letty sa mga sinabi ko. Gusto ko lang talagang maintindihan niya ang pag-aalala ko..... bilang kuya niya.

Pumunta na ako ng gate, mag-isa. Marami ang mga babaeng umaaligid sa akin at nagpapapansin, pero wala ako sa mood para pansinin sila.

Nakita ko na nauna na si Letty sa loob ng sasakyan.

"Pre, what should I do? Hindi niya ako kinakausap" palihim kong tanong kay Thomas.

"Since ikaw ang may gawa nito, why not figure it out by yourself. Apologize to her, earn her trust again" sabi niya naman.

Mukhang ito na ang prusang binigay sa akin ni Thomas dahil sa pagpapaiyak ko sa kapatid niya.

Hay naku, bahala na. Basta't kailangan kong magsorry kay Letty, yun lang muna ang naiisip ko ngayon.

Sumakay na ako, nasa tabi ko ngayon si Letty, pero nang pagpasok ko, bigla niya na lang inilagay ang earphones niya.

Mukhang ayaw niya talagang makipag-usap sa akin. So, sa buong biyahe, walang umimik sa aming dalawa.

~Sa bahay~

Nakarating na rin kami sa bahay. Ipinasok na ng driver ang kotse sa garahe. Nang tumigil na ang sasakyan, mabilis namang lumabas si Letty at pumasok na ng bahay.

I never got to say sorry. Don't lose hope Alex, kaya mo yan. Use your charms, ano pa't biniyayaan ka niyan.

Pumasok na rin ako ng bahay, at nagulat ako nang sinalubong naman ako nila Manang Lucy at Uncle Baste.

"Anong ginawa mo sa alaga ko? Ba't nagkakaganon yun?" Galit na sabi ni Manang.

"Anong nangyari ihjo? Nag-away ba kayo?" Nag-aalalang tanong naman sa akin ni Uncle.

"Sus!! Sabi ko na nga ba't hindi ito mapagkakatiwalaan Baste, eh!!" Sabi naman ni Manang habang pinapalo ng kaunti si Uncle.

"Ano ka ba!! Hindi pa nga natin alam kung ano ang nangyari!!" Paliwanag naman ni Uncle habang pinapatigil si Manang sa pagpalo sa kanya.

"Mapapaaway po sana si Letty, pero pinigilan namin" pagsisimula ko.

"Oh, tapos? Ba't nagalit si Scarlet?" Sabat naman uli ni Manang.

"Ano ka ba!! Patapusin mo nga muna siya!! Sige lang ihjo" sabi naman ni Uncle.

"Na-n-napagalitan ko po siya tungkol dun" utal ko namang sabi sa kanila. "Gusto ko lang naman po kasing ipaliwanag sa kanya na masama ang makipag-away. Pero dahil na rin sa pag-aalala ko, ganun yung nangyari" dagdag ko pa.

"Naiintindihan kita ihjo, pero sana intindihin mo rin ang sitwasyon ni Scarlet. Ang bata kasing yun, napakasesitibong tao. Madali siyang masaktan, kahit ang maliit na bagay ay malaki na kung para sa kanya" paliwanag naman sa akin ni Uncle.

My Brother is My LoverWhere stories live. Discover now