Chapter 33~ Master Mind Hunting

143 4 0
                                    

Thomas' POV

Papalabas na kami ni Jenifer ng hospital. Ikwinento na rin sa akin ni Alex ang nangyari sa kanya.

Ibinigay na sa akin ni uncle ang dagger na naiwan ni Alex sa kotse. Aalamin ko kung saan galing ito.

"Diretso tayo sa hideout, Richard" sabi ko kay Richard nang makasakay na kami ni Jenifer sa kotse.

"Ano naman ang kinalaman ng scorpion sa mga taong ito? Palagi na lang kasi scorpion ang ginagamit nila" sabi na lang bigla ni Jenifer habang nakatingin pa rin sa dagger na hawak ko.

Tiningnan ko naman ang dagger. Hugis scorpion nga ang handle nito at yung buntot naman ang matalim na pantusok.

Ibig sabihin ay isang simbol ang scorpion sa gustong sumakop sa kumpanya.

Nakarating na kami sa hideout. Agad kong inalam kung saan galing ang dagger na ito.

May nakuha akong link, pero hindi ko maopen kasi clasified. Kailangan kong mahack ang system nito.

"Hahanapin ko rin kung saan galing ang tattoo nila. Magtatanong-tanong ako sa mga tattoo artists, baka may isa sa kanilang may alam kung sinong grupo ang nagpapagawa nito" pagsuggest naman ni Jenifer.

"Okay, ito ang copy ng tattoo. Ihahatid ka ni Richard doon" sabi ko sa kanya.

Kinuha niya na yung copy saka tumalikod na sa akin. Tumayo ako at hinawakan ko ang kamay niya.

Nilagyan ko siya ng bracelet.

"Para saan naman ito?" Tanong niya sa akin.

"Mag-iingat ka" sabi ko sa kanya.

Napatigil naman siya sa sinabi ko, awkward siguro yun para sa kanya. Hindi niya alam ang gagawin niya kaya tumakbo na lang siya papalabas.

Napatawa ako ng kaunti sa inasal niya.

"Richard, ipagdrive mo si Jenifer" sabi ko sa earpiece ko.

Hindi ko alam kung bakit, pero kinakabahan ako sa gagawin ni Jenifer. Bakit ko ito nararamdaman?

Tiningnan ko sina Jenifer sa monitor habang papaalis na ng hideout. Sana nga lang walang masamang mangyari.

Jenifer's POV

Ano naman ang pakyeme-kyemeng ito ni Thomas? May pabigay-bigay pa ng bracelet. May pa ingat-ingat pang nalalaman.

Pero hindi ko naman maitatangging nagulat ako sa ginawa niya at sinabi niyang yun. My heart skipped a beat, kaya napatakbo na lang ako palabas. Ayaw ko kasing makita niya ang awkward kong mukha.

Pagdating ko sa labas, nakita ko na si Richard na naghihintay sa akin.

Binuksan na niya ang pinto ng kotse at sumakay na rin ako.

"Saan tayo ngayon?" Tanong niya sa akin.

"Sa *********, doon muna tayo magsimula" sabi ko naman sa kanya.

Kaya pinaharurot na niya yung sasakyan.

Mabilis kaming nakapunta sa lugar na yun. Hindi ako sigurado kung tama ba itong ginagawa ko, pero ito rin kasi ang naisip kong pwede itulong sa kanila.

Alam kong wala naman talaga ako sa business nila. Pero dahil sa alam ko na ang sekreto nila at bilang kaibigan ni Shane, syempre magkakaroon na rin ako ng role and responsibility sa sitwasyon na ito.

Kaya wala nang urungan ito. Damay na kung damay.

Bumaba na ako ng sasakyan at pumasok na sa shop ng pagpapatattoo. Nagpaiwan lang si Richard sa labas para magbantay.

My Brother is My LoverWhere stories live. Discover now