Chapter 44~ Confession

126 5 0
                                    

Alex/Tom's POV

Dinala ko si Letty sa isang lugar kung saan walang makakarinig at makakakita sa amin. Iniwan na muna namin ang ball.

"Ano yun? Ba't mo yun ginawa?" Tanong ko sa kanya. Hindi siya makatingin ng diretso sa mga mata ko.

Ano ba naman kasi ang dumaan sa isip niya at ginawa niya yun? Hindi naman kaya, may feelings siya sa akin.

Naku! Hindi ito maaari. Alam niya na ba na hindi ako ang kuya niya? Buking na ba ako? Hindi niya naman kasi ito magagawa kung alam niyang kuya niya ako.

Incsest ang kalalabasan nito sa paningin ng mga tao.

"Kuya I'm sorry" narinig kong sabi ni Letty saka nakita ko na nagsimula nang pumatak ang mga luha niya.

"Hindi ko na kasi alam ang nararamdaman ko. Alam kong mali ito pero hindi ko na kasi mapigilan. Kuya I'm so sorry, pero ano pa ba ang magagawa ko? Hindi ko mapigilan ang nararamdaman ko, I tried pero nasaktan lang ako" sunod-sunod niyang sabi.

"Ano ba kasi ang nararamdaman mong yan?" Nakakalito kasi, kahit ako hindi ko na alam kung ano ang iniisip niya.

"M-ma-mahal kita" sabi niya.

"Mahal din kita.... kuya mo ak-" paliwanag ko sa kanya, pero hindi niya na ako pinatapos.

"Hindi bilang kapatid mo!!! Mahal kita bilang isang lalaki!! Kuya! I'm in love with you!!"

(⊙o⊙)!!

Nagulat ako sa sinabi niyang yun. Hindi ko maisip na ganito ang nararamdaman niya sa akin. Ang alam niya ay kuya niya ako, pero bakit ganito ang kinalabasan ng lahat?

Nanatili akong nakatayo sa unahan niya at hindi makasagot sa sinabi niya. Naspeechless ako sa sinabi niya, hindi ko lubos maisip na ganito ang kalalabasan ng pinapakita ko sa kanya.

Ngayon hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin kay Letty. Papano ko ipapatigil ang nararamdaman niya?

Sa totoo lang, masaya ako dahil ganito ang nararamdaman niya sa akin. Ganito rin ang nararamdaman ko para sa kanya, pero ang role ko dito ay kuya niya. Hindi pwedeng ganito kami dahil incsest ang kalalabasan niyan kahit hindi naman talaga kami magkadugo.

Papano ko ito sasabihin kay Thomas? Magagalit kaya siya sa akin?

Narinig kong lumalakas na ang pag-iyak ni Letty, hindi ko pa pala siya kinakausap, akala niya siguro galit ako sa kanya.

"Kuya *sob* so-sorry *sob* alam ko *sob* ma-mal-" hindi ko na siya pinatapos. Hindi ko naman siya kayang matiis.

"Wag ka nang umiyak, ayaw kong naririnig kang umiiyak. Mahal din kita, pero alam mo naman na bawal ito di ba" paliwanag ko sa kanya.

"Ano ang dapat kong gawin?" Tanong niya sa akin. Hindi ko rin alam, pero sa ngayon, dapat pigilin niya na muna ang nararamdaman niya. Ngayon kasi kapatid niya ako.

"Hindi ko naman sinasabi na kalimutan mo na ang nararamdaman mong yan. Pero ngayon, dapat controlin mo na muna ang nararamdaman mo" paliwanag ko na ulit sa kanya.

"Hindi ko kaya *sob sob*" sagot niya naman.

"Sige na, tahan na, wag ka nang umiyak. Naiintindihan kita" sabi ko sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.

Kung alam mo lang Letty ang ginagawa ko ring pagpipigil sa sarili ko.

Jenifer's POV

Anong nangyari? Tama ba yung nakita ko kanina?

Hinalikan ni Shane si Alex?!

OMGieeee!!!! Magkahalong saya at kaba ang nararamdaman ko. Saya dahil, matagal ko na rin naman pinaghihinalaan ang pagtingin ni Alex kay Shane, ngayon si Shane na mismo ang umamin sa kanya.

My Brother is My LoverWhere stories live. Discover now