Chapter 14~ Apology {cont'd}

200 9 0
                                    

Alex/Tom's POV

"So ano na ang una mong pipiliin sa mga coupons mo Letty?" Tinanong ko siya ng matapos na niya ang breakfast niya.

"Hmmm..... ito!" Masigla niyang sabi sa akin habang pinapakita ang coupon 3.

Sa tingin ko gutom pa siya. Gusto pa kasi yata niyang ipagluto ko siya. Oh well, sisiguraduhin kong masarap ang ihahain kong pagkain sa kanya.

"Okay, tara na" sabay hila ko sa kanya.

~Sa kitchen~

Umupo na si Letty at pinanood akong magluto. Chicken curry ang putaheng gusto niya, kaya yun din ang iluluto ko.

"Ilang beses ka bang nagpractice para gumaling sa pagluluto?" Tanong niya sa akin habang nakatingin lang sa niluluto ko.

"Uhmm.... mga everytime in everyday" paliwanag ko naman sa kanya.

"Wow, and nakasurvive ka sa mga disapointment mo dahil sa mga gawa mong reject ang lasa? Ang naalala ko nun, sabi mo pa nga hinding-hindi ka na uli magluluto kasi, nakakadisapoint"- Letty

"Eh... para saan pa ang kasabihan na 'Walang tyaga, Walang nilaga'. Syempre, nagpursige ako hanggang sa makuha ko na"- ako

"Good for you"- Letty

Natapos ko nang lutuin yung chicken curry, tinikman ko muna bago ko ihinain sa kanya.

Masarap naman, hindi ko lang alam kung magugustuhan ng panlasa ni Letty.

Nagulat naman ako ng mapatitig siya sa akin ng tinikman niya ang curry. Hindi ba masarap? Ayaw niya siguro ng pagkakatimpla ko.

Then pagkatapos nun, sunod-sunod na ang subo niya hanggang sa naubos na niya ang laman ng bowl.

"Ahem, ma-m-masarap ang niluto m-mo" sabi niya naman habang nagpapanggap pa ring masungit.

Napangiti na lang ako, kasi halata naman na sarap na sarap siya sa luto ko pero nagsusungit-sungitan pa siya.

"Exclusively, para sa akin lang ang mga lulutuin mo this day" sabi niya uli habang nakatingin sa malayo. Umiiwas ba siya ng tingin sa akin?(^O^)

"As you wish milady" sabi ko naman habang nagbabow sa kanya. Pag-angat ko ng tingin, nahalata ko na nakangiti siya.

Mukhang gumagana ang technique ko ah.

"Ito na ang next coupon ko" pinakita niya naman sa akin ang coupon 2.

Lumapit siya sa akin, yung sobrang lapit. Tinitigan niya ako, sinubukan kong iwasan ang tingin niya pero hindi ko magawa.

Then nagulat ako ng bigla niya na lang akong piningot at kinurot niya ang ilong ko. Well, it says in coupon 2 na pwede niyang gawin sa akin ang kahit ano mang gustuhin niya.

"That's for leaving me behind. This is for shouting at me" sabi niya uli.

Then pagkatapos nun, sinipa niya ang paa ko at binatukan pa ako.

Aaminin ko masasakit yun, pero deserve ko naman yun eh. Although yung isa hindi, dahil para sana kay Thomas yun.

"Okay, pipili na uli ako ng isa pang coupon"- Letty

"Teka, ang bilis naman, wala bang break time? Pangatlong coupon mo na yan" sabi ko naman sa kanya.

Pasunod-sunod na kasi siyang pumipili ng coupon. Eh marami pa namang oras ah.

"Hey, sa akin ang coupon na ito di ba. So that means, ako ang bahala kung kailan ko ito gagamitin. At ang gusto ko, gamitin ito ngayon na" sabi niya naman.

My Brother is My LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon