Chapter 50~ Clue #2

99 2 0
                                    

Fin's POV

I totally hate that person!! Kung magugunaw man ang mundo, gusto kong siya ang unang taong lamunin ng lupa.

Thomas Jacob Ramires..... nakakahiya ka!! Sarili mong kapatid papatusin mo. Walang kasing kapal ang mukha mo.

Pagkatapos kong maghirap, pagkatapos kong gawin lahat para lang makuha ang atensyon ni Shane, aagawin mo siya sa akin ng ganun ganun lang!!!

Siguro mas mabuti kung hindi ka na lang bumalik. Maganda na yung pagsasama namin ni Shane nung wala ka pa. Isa kang malaking EPAL!!!!

"Son!! What's wrong?" Pagsalubong sa akin ni mommy. Bakit ba yan na lang palagi ang tanong niya sa akin kapag nakikita niya ako?

Iniwasan ko lang siya at papunta na sana sa kwarto ko.

"Looks like that Thomas is really giving you a hard time huh" sabi ni mommy na nagpatigil naman sa akin.

I turned to face her and saw a very evil grin in her face. Natakot ako sa nakikita ko sa mommy ko pero parang may naramdaman akong bagay na gusto kong makamtan dahil sa ngiti ni mommy.

Her grin is like controling me to do what she wants, and I'm beginning to like that idea.

Dahan-dahan siyang naglakad papunta sa akin. I want my feet to move towards my room, but I just can't. My mom's eyes are like telling my feet to stay put.

Nang makarating na siya sa akin, hinawakan niya ang pisngi ko na nagpakilabot naman sa akin. Nararamdaman ko ang malamig niyang kamay sa pisngi ko.

"You know that you are my most precious possesion, and I would do anything if it is for your future. Anak, kung maaagaw natin ang kumpanya mula sa mga Ramires, magagawa natin ang lahat. The world will be at our hands. You will get everything that you desire. Pero magagawa lang natin yan kung susunod ka kay mommy" sabi niya.

"Yes I will. I'll do anything" sagot ko naman sa kanya.

"Good!! Kung gayon, ito ang plano" sabi niya sa akin saka may ipinakitang bagay.

~after 2 min~

"Wag mong kakalimutan, naintindihan mo na ba ang dapat mong gawin?"

"Opo, I won't disapoint you mom" sagot ko sa kanya.

Pagkatapos kong kausapin si mommy, pumunta na ako sa kwarto ko.

*inhale*
.
*exhale*

"Thomas Jacob Ramires..... manatili ka lang na inlove sa kapatid mo, because that won't be for long. Mawawala rin sa'yo ang pinakamamahal mo" sabi ko sa sarili ko pretending that I was talking to Thomas.

Alex/Tom's POV

~kinabukasan~

Ako lang ngayon ang pumasok. May sinat kasi si Letty, kaya hindi na muna pinapasok ni manang. Buti na rin ito, para hindi niya na kailangan pang marinig ang mga bulungan ng mga tsismoso't tsismosang bubuyog.

Nakita ko si Fin hindi malayo sa akin. Hinintay kong lumapit siya at itanong sa akin kung asaan si Letty, pero tumingin-tingin lang siya sa paligid ko saka tumakbo na papalayo.

Aba!!! Tingnan mo ang tukmol na ito, nung dati, lumalapit sa akin at binabati ako o kaya ay sumasabay sa pagpasok ko o di naman ay lumalapit sa akin para tanungin kung bakit hindi ko kasama si Letty. Ngayon, hindi man lang ako lapitan para batiin o hanapin sa akin si Letty.

Nagseselos kaya siya sa akin, dahil ako ang minahal ni Letty at hindi siya? Well, dapat alam niya na yan dahil kung sa kagandahang lalaki lang ang pagbabasehan, lamang na ako sa kanya.

My Brother is My LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon