Chapter 19: His Story

Depuis le début
                                    

“W-what?” dapat malakas ang pagkakasabi ko nun ngunit hindi ko alam kung bakit naging pabulong. Nanghina ata ako sa nalaman ko.

“She only came here because of sex. Maybe, she’s tired of that old man’s body. I don’t know. Pera lang naman ang habol niya sa lalaking ‘yun.”

Martin Cristobal. Ang lalaking kinahuhumalingan sa buong ospital, pati na ng mga teenage girls ay ginagamit lang ng isang babae para sa kaunting ligaya. The heck?!

“She’s your ex, for pete’s sake at sabi mo nga, siya ang dahilan kung bakit iniwan kayo ng tatay mo. Then w-why?”

I heard him sighed. “She’s also my first love.”

Dun na ako napatahimik. Siguro nga wala akong alam sa nararamdaman niya ngayon. Ayoko siyang i-judge kasi hindi ko naman maimagine kung anong pakiramdam ng ipagpalit ka ng mahal mo sa sarili mong kapamilya at sa sitwasyon niya ngayon, sa sarili niyang ama. Pareho silang naging biktima ng nanay niya sa mapaglarong kamay ng pag-ibig. Pareho silang nasaktan at iniwan ng pinakamamahal nila.

“Hindi ko rin siya mataboy,” he continued with his husky voice. “Siya ang dahilan kung bakit ako naging Opthalmologist.”

Ang kaninang nakaharap sa kisame kong katawan ay iginilid ko paharap sa kanya. “Hindi ko maintindihan.”  

“My dad doesn’t want me to study anything that includes my mother’s condition. Gusto niyang maging businessman din ako tulad niya. But I strongly rejected his offer and pursued studying medicine. Nung namatay ang mom ko dahil sa car accident, ang ama ko na lang ang pag-asa ko para makapag-aral ako ng kolehiyo. I tried working part-times pero alam naman nating hindi sapat iyon lalo na’t gusto kong maging doctor. Mabigat man sa loob ko, I seeked his help. That’s how desperate I am in studying my mom’s conditon.”

Biglang gumalaw ang kama. Akala ko umupo siya mula sa pagkakahiga pero tumagilid lang pala siya. Naramdaman ko kasi ang hininga niya malapit sa’kin so I concluded that his body was facing me.

“He rejected me, the way I rejected him.” I ignored his musk yet minty breath that’s currently lingering on my face, as he speaks. “Then came Kristine, my current girlfriend by that time, who convinced my dad to let me study and to give me money. I don’t know how she did it pero bigla na lang akong nakatanggap ng pera sa bank account ko na nagpapatunay na pumayag na siya sa pagpapaaral sa’kin.”

“At yun din ang araw na nakipaghiwalay sa’kin si Kristine. Kaya pala hiniwalayan ng matandang yun si mommy dahil matagal na silang may relasyon ni Kristine. Pinagsabay niya kaming dalawa.”

Matagal na katahimikan ang nangibabaw sa’min. Medyo hindi na ako komportable dahil na rin sa ginagawang sensasyon ng hininga niya sa kalooban ko kaya nagsalita na lang ako.

“Mahal mo talaga ang mama mo noh?”

“More than my life.”

Tumaas ang paghanga ko sa lalaking nasa harapan ko ngayon. Yung akala kong lalaki na obssess lang sa paghanap ng gamot para sa kapansanan ko ay may mas mabigat pa palang pinagdaanan at pinagdadaanan kaysa sa’kin. Nagiguilty tuloy ako sa naging ugali ko sa kanya sa mga nakaraang araw.

“Hey Chloe.” he said, almost a whisper.

“Hmm?”

“Ito na ata ang pinakamatagal na pag-uusap natin na hindi mo ko sinusungitan.” I can imagine his mouth turned into a smile when he said those words.

Napangiti ako. “Talaga?”

“At napangiti pa kita. Ayan oh!” Naconscious tuloy ako sa ngiti ko kaya tinakpan ko ang bibig ko gamit ang aking kamay. “That genuine smile.”

Tinanggal ko ang kamay ko mula sa bibig ko at sinuot uli ang maskarang lagi kong nilalagay kapag nandyan siya. My poker face. “You better cherish this moment ‘coz you’ll never see that smile again.”

“Talaga?” Ginaya niya pa yung tono at pagkakasabi ko sa salitang yun. Tss.

I rolled my eyes at him at tumalikod na sa kanya. This time, may kasama nang ngiti sa labi.

“By the way, what happened before  I came? Putlang-putla kasi yung mukha mo nung nakita kita, nag-alala ako pero bago pa kita matanong, nahimatay ka na sa braso ko.”

Naalala ko na naman ang mga salitang ‘yun.

Come back to me.”

At ang pagtawa niya. Ang halakhak na akala ko’y nasa harap ko mismo ang taong yun, na para bang tumatawa siya mismo sa harapan ko. Nakakapanindig-balahibo. Nakakatakot. Even thinking of it, makes my heart beat erratically fast.

Paulit-ulit kong sinasabi sa utak ko na itago lang ito. Na ako lang ang dapat makaalam nito ngunit pinipilit ng sistema ko na ilabas ito. Kating-kati na ang dila ko. Ang bigat bigat na ng loob ko. And half-realizing it, binanggit ko na sa kanya ang dati pa bumabagabag at nagmumulto sa’kin.

“May misteryosong tao na tumatawag sa’kin.”

Narinig ko ulit ang pagtunog ng kama, senyales na umupo na siya mula doon. Hinawakan niya ako sa braso, pinaupo at pinaharap sa kanya. Sa paraan ng paghawak niya sa akin, parang takot na takot siyang mabasag ako.

“Bakit ngayon mo lang ito sinabi?” may pagtitimpi sa boses niya.

“Dahil akala ko hindi ‘to importante!” pasigaw kong sabi at inalis ang pagkakahawak niya sa braso ko.

Hindi ko alam kung anong ginagawa niya pero ramdam ko ang mabigat na titig niya sa direksyon ko.

“Don’t kill me with that stare.” Ni pagtitig niya hindi ko na makayanan.

Narinig ko ulit ang pagbuntong-hininga niya. “Chief Verzosa must know this. Mamaya pupuntahan na natin siya.”

“Mamaya?” Anong oras na ba?

“It’s five in the morning, Chloe.” he said, pero nandun pa rin ang pagkaseryoso sa tono niya.

Humiga ulit ako. “Can you just let me rest for a while? Or a day, maybe?” Gusto ko lang talagang makatakas sa lahat ng stress at takot. Paniguradong bibigat lang ang pakiramdam ko kapag pumunta kami sa office ni Chief Verzosa.

“Fine. Sa isang kondisyon.”

“Ano na naman ‘yun, Martin.” I yawned.

“Go out with me.”

Sightless Love [COMPLETE]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant