Chapter 18: The Voices

Start from the beginning
                                    

“Dahil ba dito kaya nagkakaganyan ka ha? Why Martin? You’ve always been so gentle to me.”

“Keep your pointed finger off of her.” may pagbabanta sa tono ng boses niya.

Mukhang napapasali pa ako sa away na'to. I won't just sit here and do nothing! “Pwede ba, kung mag-aaway kayo,” I pointed the direction of the door. “lumabas na lang kayo.”

Mas lumapit ang amoy ni Martin mula sa pwesto ko at ang paglubog ng kama ang naging senyales na nakaupo lang siya malapit sa’kin.

“Stay with me.” he whispered to my right ear.

Bago pa ako makasagot, humiwalay na siya sa’kin. Ang tanging naririnig ko na lang ay ang patuloy na pagsigaw ni Kristine na pakawalan siya ni Martin, siguro’y hinihila na siya palabas ng kwarto ko. At hindi rin nakalagpas sa pandinig ko ang mga pagbabanta niya. Unang pagkikita pa lang namin, ang init na ng dugo niya sa pagkatao ko.

“Hindi pa tayo tapos, blind girl!”

“Yeah, right.” Nanghihina kong sagot sa kanya. Really, wala na bang awa ang lipunan sa mga bulag na tao? Imbes na gawin nilang mapayapa ang buhay, mas lalo pa nilang pinapahirapan.

***

Hindi ko na tinuloy ang pag-alis ko, there’s something in Martin’s words that made me re-think my actions.

“Stay with me.”

Hay, ano bang meron sa lalaking ‘yun? Bakit niya ako napapasunod ng ganito?

Humiga ako sa kama at hinayaang nakabukas ang mga mata ko. Kahit nakabukas ito, puro kadiliman pa rin ang nakikita ko. Ano kayang itsura niya habang sinasabi sa’kin ang mga salitang ‘yun? By his mere words, nagagawa na niyang palambutin ang kalooban ko, paano pa kaya kung makikita ko na ang mukha niya.. ang mga mata niya?

Siguro nga wala akong balak na umalis. Maybe, I just want him to stop me, to stop  me from leaving, dahil umaasa ako na mas pipiliin niya ako kesa-

Wait, ano yung naisip ko kani-kanina lang?

No… No..

Hindi pwede…

This is bad. Very bad.

Napatigil lang ako sa paggulong-gulong nang makaramdam ako ng pag-vibrate sa may dulo ng kama. Agad kong kinuha ang phone ko at sinagot ito.

“Hello?”

“Come..”

Agad na kumalabog ang puso ko pagkarinig ko sa magaspang na bulong sa kabilang linya.

“SI-SINO KA?!”

Ramdam ko ang panginginig ng kamay ko habang nilalapat muli ang phone sa tenga ko. Gusto ko na talagang makilala kung sino itong tumatawag sa’kin. At kung bakit niya ginugulo ang buhay ko.. Iisa lang ba sila nung serial killer?

Sightless Love [COMPLETE]Where stories live. Discover now