Chapter 34: Drag Race

Start from the beginning
                                    

"Bumaba ka na. Antayin mo ko doon." Tinuro niya ang bench kung saan maraming kabataan na nagkakagulo. May mga hawak pa silang mga inumin na hinuha ko ay mga alak.

"N-no I can't go there. I hate crowd—"

"Then suit yourself."

Napasigaw ako nang mabilis na umarangkada ang kotseng sinasakyan namin. Nasanay na ako sa bilis ng pagpapatakbo ni Cane pero iba ngayon. Parang lilipad ang kotse na sinasakyan namin. Bawat pagliko nito ay ang palakas na palakas na kabog ng puso ko. Nag-uumpisang manakit ang dibdib ko at kahit gusto kong hawakan ito ay hindi ko magawa dahil mahigpit ang kapit ko sa handle. Nag-uumpisa na akong pangapusan ng hininga. Pero ang katabi ko ay tuwang-tuwa na sumisigaw sa tuwing nauungusan nito ang kalaban. Tila walang pakialam kung bigla na lang akong mamatay. Nag-umpisang mangilid ang luha ko hanggang sa tuluyan na akong napaiyak.

I'm scared. I'm so scared. Pakiramdam ko bumalik ako sa panahon noong bata ako na natatakot ako sa tuwing nahihirapan ako sa sakit ko. Noong mga panahon na takot na takot ako na baka hindi na ko magising kapag pinapatulog ako ng doktor.

Tatay, natatakot ako. Anong gagawin ko?

Sa pagpikit ko ay nakita ko ang nakangiting imahe ng Tatay ko na tila sinasabi na magiging maayos din ang lahat.

Halos masubsob ako nang huminto ang kotse. Umiiyak pa rin ako habang hawak-hawak ang dibdib ko na kumikirot. Hindi ko alam kung dahil ba sa seat belt na suot-suot ko o baka dahil na rin sa masyado akong natakot. Nanghihina ang tuhod ko at pakiramdam ko papanawan ako ng ulirat. Tinignan ko si Cane na nakasabunot sa buhok nito habang sumisigaw.

"I won! Fuck! I won!" sigaw ni Cane pero nang dumako ang paningin niya sa akin ay napalunok siya at nawala ang ngiti sa mukha niya.

"The hell, a-are you okay?"

"Ahhh..." daing ko nang muling kumirot ang puso ko, halos mapunit ang uniform na suot-suot ko sa higpit ng kapit ko dito. Hindi ako makahinga. Nahihilo rin ako at tila masusuka.

"Yah, Spring... d-do you need water?" Natatarantang saad ni Cane na inabot ang bottled water sa dashboard at inabot sa akin pero mabilis ko itong tinabig at natapon sa kanya ang tubig. Nanginginig ang kamay na inalis ko ang seatbelt ko makaraan ay kinuha ko ang bag ko.

Sana nandito. Sana nadala ko.

Panalangin ko habang nanghihinang hinalukay ko ang bag ko. Nang makita ko ang hinahanap ko ay kinuha ko ito. Binuksan ko ang maliit na botelya. Tinaktak ko ang dalawang piraso ng gamot sa palad ko at mabilis ko itong ininom. Napapikit ako at nag-umpisang kumalma ang puso ko. Hindi na ganoon kabilis ang palpitation ko pero kumikirot pa rin ito. I need to breathe.

Binuksan ko ang pinto ng kotse. Narinig ko ang malakas na hiyawan pero humina ito nang makita ako. Bakas ang pagtataka at pagkagulat sa mukha ng lahat. Pero ako ang tangi ko lang ginawa ay maglakad palayo. Nanghihina ang mga tuhod ko pero kailangan kong makaalis sa lugar na ito.

"S-Spring!" Hinawakan ako sa braso ni Cane pero tinabig ko ang kamay niya.

"Huwag m-mo akong hawakan!" hirap na hirap kong saad.

"I-I'm s-sorry—Look, let's go. Dadalhin kita sa ospital—"

Hindi na niya natapos ang sasabihin nang iangat ko ang palad ko at padapuin ito sa pisngi niya. Hindi ganoon kalakas dahil na rin sa nanghihina ako pero sapat na para mapasinghap ang mga tao sa paligid.

"S-sorry?! Y-you almost killed me! Alam mo ba ang pwedeng mangyari kung hindi ko nainom ang mga gamot na 'yon?!"

Hindi siya nakaimik at iniwas ang paningin sa akin. "Alam mo b-bang ang swerte-swerte mo k-kasi lumaki kang walang sakit. Hindi mo kailangan matakot na baka isang araw, mamatay ka na lang. Alam mo ba ang pakiramdam ng mga taong lumalaban para mabuhay kahit na nahihirapan na sila. P-pero heto ka...nagagawang isugal ang buhay mo. Itinetake for granted mo ang buhay mo C-Cane! Akala ko hindi ka ganoon kasama katulad ng iniisip ko noon, pero ang sama mo pala talaga. Ang sama-sama mo kasi wala kang pagpapahalaga sa buhay na binigay Niya sa'yo." umiiyak kong saad habang mahinang hinahampas siya sa dibdib. Namalayan ko na lang na yakap-yakap niya ako nang mapagod ako sa kakasuntok sa kanya.

"I'm sorry. I really do."

Hindi na ako nagprotesta pa nang akayin niya ako pabalik sa kotse niya. Ni hindi niya pinansin ang mga tumatawag sa kanya at ingat na ingat akong ipinasok sa kotse. Nakapikit na ako nang maramdaman ko ang pagkabit niya ng seatbelt sa akin. Naramdaman ko ang pag-andar ng kotse pero wala na ang bilis nito. Banayad at wala ng pagmamadali sa pagpapatakbo niya.

"You're really not like her. I thought you were the same that's why I hated you. But I guess I'm wrong..."

Huli kong narinig bago ko tuluyang panawan ng ulirat.

TBC

Two Bad Boys Beside Me (COMPLETED)Where stories live. Discover now