Chapter 38: No Choice

19 2 1
                                    

          "Yung totoo? Ano to? Contest? Paunahang matunaw yang mga icecream nyo?" Tanong ni Lyhmie sa mga tulalang kasama.

        As usual magkakasama sila sa isang icecream parlor.

        "May sinasabi ka, Sis?" Si Kishy ang unang natauhan.

        "Anong nangyayari sainyo? Bakit mga tulala kayo?" Tanong ni Lyhmie sa mga ito.

        "Pagod lang ako." Cons sabay subo ng icecream.

       "Me too. Nakakapagod na dumugin ng  mga fans ng playboy na yon." Yumie na sunod-sunod ang ginawang pagsubo ng icecream.

        "Hindi. Bakit naman sya magseselos? Oo. Tama! Nagseselos sya kase gusto nya sya lang ang pinapansin. Tama yun nga yun." Murmur ni Dewey sa sarili.

        "Hala! Dewey, kausapin ba ang sarili? Nandito kame oh." Heshin.

       "Shhh.... Nag-memeditate ako." Saway dito ni Dewey.

      "Haha! Meditate ka dyan. About na naman sa pasyente mo yan ano?" Lizhen.

      "Wala toh. Dont mind me. Eh, ang isang to? Anyare?" Sabay turo ni Dewey sa katabing si Neshien.

      "Ui! Share mo yan. Wag mong solohin. Nakakabaliw yan." Cons.

      "Oo nga. Ikaw ang may pinakamalalim na iniisip eh. Magsusulat ka na rin ba ng novels?" Yumie.

       "Feeling ko pang-telenobela nga ang story ko." Wala sa sariling sabi ni Neshien.

      "Bakit? Share it na kase." Kishy.

       "Oo nga, ate." Lyhmie.

        "Ganito kase yon. Di ba pinatawag ako ni boss the other day?" Neshien.

        "Oo. Tapos, anong nangyare?" Cons.

       "Sinesante ka nya?" Heshin.

       "Hindi noh. Ganito kase yon...." Neshien started telling them what happen that day.

      

Flashback.....
       

             Kumatok muna si Neshien bago buksan ang pinto ng opisina ng boss na si Leon.

          "Boss, pinapatawag nyo daw po ako?" Tanong ni Neshien dito.

        "Yes, Ms. Neshien. Sasama ka saken. May meeting ako with one of the new investors." Leon.

        "Okay po. Kukunin ko lang po ang gamit ko. Sasabihan ko na din po ang driver nyo." Neshien.

       "Okay." Tipid na sagot ni Leon.

       Maya-maya pa lulan na sila ng kotse nito papunta sa sinasabi nitong lunch meeting.

      Hay..... Ang tahimik naman.... Nakakainip tuloy....

      Reklamo ni Neshien sa isip nya dahil tahimik lang na seryosong nakatutok sa laptop nya si Leon.

        "Nandito na po tayo, Sir." Sabi ng driver kaya nakahinga na ng maluwag si Neshien.

       Nasusuffocate kase sya sa loob ng kotse kasama ang boss.

        Pumasok sila sa loob ng isang mamahaling restaurant.

        "Ouch! Sorry, Boss." Hinging paumanhin ni Neshien dahil nauntog sya sa likuran ng boss ng huminto ito sa paglalakad.

      "Mom?!? Dad?!?" Narinig nyang sabi nito.

Rainbow FriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon