Chapter 137: For Real

22 1 4
                                    


*****

         "Is that a dream o totoong nangyare na hinalikan sa pisngi ni Leon si Neshin kagabe?" Yumie asked habang nagkakape. Magulo pa ang buhok nito dahil kagigising lang nila.

       "Ha? Nagpunta si Leon dito kagabe?" Heshin.

       "Panaginip mo lang yun, Yumie. Lasing na lasing ka kaya kagabe." Palusot ni Neshin.

      "Hindi. Dumilat ako kagabe tapos nakita ko sa may pinto sina Russel, Jerry at Leon eh." Yumie.

      "Wow! So, may pagdalaw pang naganap kagabe?" Nanunukso ang ngiting sabi ni Lyhmie.

      "Haha! Aminin na natin, Neshin. Dumaan lang sila to say goodnight." Dewey.

      "Oo nga. Kase late ng natapos ang meeting nila. Kaya nandito pa sila sa hotel ng ganung oras." Cons.

      "E,di totoo din na kiniss ni Leon sa Cheek si Neshin?" Yumie insist thats  make Neshin blush again.

      "Haha! Mag-asawa naman sila kaya hayaan nyo na." Natatawang sabi naman ni Lizhen.

       "Hoy! Ikaw Yumie ha. Bakit ka ba nagpakalasing kagabe? Tumawag si Yvan tulog ka na sa kalasingan." Neshin is trying to divert the topic.

      "Wag mong ibahin ang usapan. Aminin mo nga samen. For real na ba talaga ang relationship nyo ni Leon?" Yumie.

       "Sabagay. Matagal-tagal na rin kayong nagpapanggap ni Leon di ba? Hanggang kaylan ba ang usapan nyo?" Tanong na rin ni Dewey kay Neshin.

      "O, may balak pa ba kayong tapusin ang pagpapanggap nyo o papangatawanan nyo nalang?" Cons.

     "T-Teka nga! Ang aga-aga hina-hotseat nyo ko." Reklamo ni Neshin sa mga kasama.

      "Haha! Hayaan na nga natin sila. Nasa kanila na yung dalawa. Tsaka mukhang indenial pa sila sa mga totoong feelings nila eh." Heshin.

     "Tama. Magkakaaminan din yang mga yan." Lizhen.

     "Ewan ko sainyo. Mag-sikaen na nga kayo. Pare-pareho pa tayong may trabaho after this." Neshin.

      "Oo nga pala susunduin ako ni Lance. Mauna na akong maligo sainyo mga Ate ha. Baka dumating na yon eh." Nagmamadaling tinapos ni Lyhmie ang almusal nya saka tumakbo sa banyo.

     "Haha! Kalma Lyhmie. Mahihintay ka naman ng fiance mo noh." Pahabol na sigaw dito ni Dewey.

      "Naku! Forsure ikaw din magkakandakumahog kung susunduin ka ni Russel." Heshin.

      "Hindi kaya. May early meeting sila today. Kaya after nun susunduin nya ko para ihatid sa ospital." Ngiting-ngiting sabi ni Dewey.

     "Haha! Kaya naman pala. May usapan na. Ako hindi na ko nagpasundo kay Bryle. But he insist na sya na daw ang maghahatid kay Zeena sa school." Lizhen.
        

      "Aw! Father figure ang peg ni Doc Bryle ha." Cons.

       "Ikaw, Cons? Anong peg ng Jerry mo?" Tanong dito ni Neshin.

       "Wala. Nandito pa ko at didiretso ako sa shift ko dito sa hotel. Kaya sya muna ang pinatulong ko kila Tita doon sa grocery." Cons.

      "Haha! Wala daw. Eh, imagine yung CEO inalila mo." Heshin.

       "Inalila ka dyan. Sya kaya nag-volunteer." Cons sabay subo ng pagkaen.

      "Ang tamis masyado nitong kape. Nakakasuya." Nakasimangot na reklamo ni Yumie.

Rainbow FriendsWhere stories live. Discover now