Chapter 2: The Reunion part two

117 2 1
                                    

       "Grabe! Parang kaylan lang highschool palang tayo noh." Neshien.

     "Oo nga eh. Ang bilis ng panahon." Cons.

     "Next time isama mo na ang baby mo, Lizhen. Para mameet namin sya." Yumie.

    "Gusto mo na rin ng baby, Yumie?" Tanong ni Heshin dito.

    "Hindi naman. Boyfriend nga wala noh. Anak pa ba hihilingin ko?" Nakapout na sabi ni Yumie.

    "Pero kung yung guy kanina ang magiging daddy ng magiging anak mo, bet mo?" Kishy.

    "Eeee!!! Kung ako oo! Ang gwapo kaya ni Yvan Castillo. Sikat pa girl." Dewey.

    "Tsk! Gwapo at sikat nga. Presko at babaero naman." Yumie.

    "Haha! Baka image nya lang yun. Tapos in real life mabait pala sya." Neshien.

    "Mukha ba syang mabait kanina?" Lyhmie.

    "Hindi Lyhmie. Kung ano ang chismis na kumakalat about him. Totoo yon. Nakita ko sya na may kalandiang babae kanina." Yumie.

    "Haha! G na g?" Kishy.

     "Baka mamaya sya na pala ang destine sayo." Cons.

    "Haha! Imposible yan noh. Nasa reality tayo wala tayo sa telenovela o koreanovela. Na maiinlove ang isang sikat na artista sa isang hamak na tulad ko." Mahabang litanya ni Yumie."On the second thought. Hindi ako maiinlove sa mayabang na yon." Sabay  subo nya sa kinakaing blueberry cheesecake.

    "Haha! Ikaw na writer. Nakagawa ka agad ng story eh. Speaking of being a writer. Kaylan ka magpapublish na sarili mong libro?" Neshien.

     "Kapag mabait na saken ang editor in chief namin. Teka, bakit laging ako? Magkwento kayo ng sainyo." Yumie.

     "We have one thing in common." Kishy.

     "Ano naman yon bukod sa pretty tayong lahat?" Dewey.

     "We are all single!" Kishy.

     "Yeah right. Pero ako pakiramdam ko malapit ko ng makilala yung dream guy ko eh." Cons.

    "Wow! Positive ka ha. Ako, for now kontento na ko sa anak ko." Lizhen.

   "Pero paano kung may bigla kang makilala na magpapatibok sa puso mo?" Dewey.

    "Well, saka ko na iisipin kapag meron na." Lizhen.

    Na ikinatawa ng lahat.

     "Buti nalang available tayong lahat ngayon noh." Heshin.

    "Si kishy lang naman yata ang busy sa career di ba?" Yumie.

    "Kaya pala ikaw ang late, yumie." Kishy.

    "Oo nga eh. Leshe kasi yung editor namin eh. May araw din yun samen." Yumie.

    "Infairness ang ganda nitong hotel ah." Komento ni Lyhmie.

   "Oo nga. Sosyal. Pero wala ka pa bang nami-meet dito, Neshien?" Cons.

    "Kung meron man. Bawal naman." Neshien.

    "Sabagay. Eh, ikaw nurse dewey? Wala ka bang napupusuang doktor doon sa ospital?" Kishy.

     "Naku! Kung hindi matanda may asawa na ang mga doktor don noh." Dewey.

    "Kahit hindi natin hanapin darating din yan." Lyhmie.

    "Tama ka dyan, sis! So, after dito saan tayo?" Kishy.

Rainbow FriendsWhere stories live. Discover now