Chapter 85: Jealous Wife

29 2 1
                                    

  

       "Goodmorning, Maam Neshien." Bati kay Neshien ng isa sa executive staff ng hotel.

     "Goodmorning." Nakangiting ganting bati dito ni Neshein. Pipihitin na sana nya ang doorknob ng opisina ni Leon ng pigilan sya ng staff.

     "Ahm.... Sandale lang po, Maam. Binilin po kase ni Sir na wala munang papasukin sa loob ng office nya." Alangang sabi nito kay Neshien.

     "Ha? Bakit anong meron?" Nagtatakang tanong ni Neshien.

     "Ahm... May kameeting po kaseng importanteng tao sa loob si Sir Leon." Staff.
  
     "Ah. Kaya ka nandito sa labas ng opisina nya? Pero secretary nya ko remember? Maybe he needs me inside. And beside may kaylangan akong sabihin sakanya." Neshien.

     "Sorry po, Maam. Kahit daw po kayo wag munang papasukin sa loob eh. Sa suite nya daw po muna kayo mag-stay." Staff.

     "Ganun? Okay. Sige sa suite nalang muna ko. Just call me kung may kaylangan kayo ha." Bilin ni Neshien dito.

     "Yes, Maam." Nakangiting sagot naman ng staff.

       Nagpunta naman sa suite ni Leon si Neshien na curious kung sino ang kausap ng kanyang pretend husband.

       "Sino naman kayang kameeting nya? Wala naman syang nakaschedule na kameeting this early ha." Napapaisip na naupo si Neshien sa couch.

      "Room service, Maam." Narinig ni Neshien mula sa labas ng kwarto.

      "Come in." Neshien na napapaisip padin.

      "Wow! Ang aga-aga ang lalim ng iniisip mo ha." Its Cons na nakatokang maglinis ng suite ni Leon that day.

      "Wow din ah. Ang aga ng schedule mo today ah." Neshien.

      "Nakipagpalit ako. May lakad kase ako mamaya eh." Cons.

      "I see." Neshien.

       "Ano naman yang iniisip mo? Ang lalim ah." Cons habang nag-uumpisa ng maglinis ng kwarto. "At tsaka bakit nandito ka sa suite ng asawa mo instead na sa office?"

        "May importante syang  kameeting kaya dito daw muna ako." Neshien.

       "Hulaan ko. Iniisip mo kung sino ang kameeting nya noh?" Cons.

       "Oo. Nacucurious lang ako. Kung sino yung kameeting nya  ng ganito kaaga at hindi pa pwedeng maistorbo." Neshien.

      "Guess what? Alam ko kung sino ang kameeting nya sa opisina nya ngayon." Nakangising sabi ni Cons na nag-aayos ng kama.

     "Sino?" Eager na tanong ni Neshien.

      "Uyyy!!! Eager syang malaman kung sino oh." Pang-aasar ni Cons.

       "Heh! Nacucurious lang ako. Teka nga! Alam mo ba talaga? O, niloloko mo lang ako?" Neshien.

      "FYI lang ha. I saw it with my own two eyes. Papasok palang ako sa hotel nung nag-park yung kotseng sinasakyan nung babae na yon sa tapat ng hotel." Cons.

      "Babae?" Neshien.

       "Yep! Babae yung kameeting ng asawa mo. Nakita ko pa na sinalubong nya yung girl saka sila sabay na sumakay ng elevator paakyat ng office nya." Cons.

      "Baka guest lang yon. Baka hindi sya yung kameeting ng asawa ko." Neshien.

     "Sya palang ang nakita kong dumating noh. At until now hindi pa sya umaalis. Gusto mong malaman kung sino yung girl?" Cons.

Rainbow FriendsWhere stories live. Discover now